Dedeicated this to my new FOLLOWER! Yipeey! Thank you for following: Melyn1808
Dumami pa sana kayo. Hehe d^-^b
———————————————————————————————————————————————————————————————————
~FOREST~
"NGUMITI ka naman Baki." utos ko kay Baki ng makitang hindi man lang ito ngumingiti. Nagpapa-picture kaming dalawa tulad ng ri-ni-quest ko. Kakatapos lang namin mag horse back riding, enjoy lalo na't kasama ko si Baki. Hindi ko nga napansin yung magagandang tanawin at ang iba pang pinagmamalaki ng Wright Park dahil ang buong atensiyon ko ay nasa babaing nasa harapan ko. Ang babaing tinitibok ng puso ko. Cheesy! Hayup!
Pagkatapos naming mag-horse back riding ay kaagad ko ng sinabihan si Yami na kunan kami ng litrato bago pa mag-bago ang isip ni Baki. Nasa likoran namin yung kabayong ginamit namin. Magsisilbing remembrance ito na magpapaalala sa akin na dito kami nakasakay ni Baki at nag-kwento tungkol sa una naming encounter at seryuso talaga ako dahil kanina ko lang na-realized na hindi tama iyong pinagsasabi ko sa kanya dati. Ang sama ko pala sa kanya noon. Tsk.
"Pumayag na akong magpa-picture dapat makontento kana 'don." anito habang blangkong nakatingin sa harap ng camera.
"Sige na Baki, para maganda yung kinalabasan ng picture natin. First picture natin ito kaya dapat maganda 'to."
"Ang kulit! Sige na, matapos lang to."
"Pwede ko na ba kayong kunan ng picture?" tanong ni Yami.
"Okay na okay na." nakangiting sabi ko.
"1...2...3." *CLICK*
"Ang cute 'nyo tignan sa picture guys, perfect na perfect." sabi ni Yami matapos niya kaming kunan ng picture, nakatingin ito sa screen ng DSLR.
"Nakita mo din yung chemistry?" nakangising tanong ni Pyro. Kinikilig na tumango naman si Yami. Tiningnan ko si Baki na wala namang reaksiyon. Inabot sa akin ni Yami yung DSLR para matignan ko yung picture at napangiti naman ako dahil ngumiti nga talaga ito.
"Ang ganda mo dito Baki." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa screen. Babaing-babae ito kong tignan mo dahil sa ngiti nito, hindi mo maiisip na magaling siya sa pakikipag-suntokan at may pagka-amazona. Dapat lagi siyang nakangiti eh. "Bigyan mo ako ng soft copy at hard copy niyan Yami ha." bilin ko pa kay Yami ng isauli ko sa kanya yung DSLR.
"Sure!" nakangiting sagot ni Yami.
"Saan na tayo?" tanong ni Charlie.
"Lunch na guys, we need to eat first." si Pyro.
Pumunta kami sa isang restaurant na ang pangalan ay 'The Rancho' a part of Ketchup Community across the Wright Park and beside the Mansion House na kilalang official residence of the President of the Philippines in Baguio. Sila Pyro at Yami na yung nag-order ng pagkain habang kami ay na upo na sa napiling puwesto. Syempre katabi ko si Baki. Tahimik ulit ito. Pagdating ng pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain dahil kailangan naming sulitin at huwag sayangin ang oras dahil isa at kalahating araw lang kami dito sa Baguio. Binigay ko yung kalahating pagkain ko kay Baki dahil ayaw ko siyang magutom. Sapat ng makita ko siyang busog, busog na din ako.
Naks! Ang cheesy ko na mga dre hahahaha.
Pagkatapos naming kumain ay kanya-kanya na kaming sakay sa aming mga kotse. Ang sunod na pupuntahan namin ay 'Strawberry Fields Forever' gustong-gusto kasi ni Yami na personal na mamitas ng mga strawberries. Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng owner ng farm. Hindi lang strawberries ang mga naroon kundi meron ding mga lettuce na may iba't ibang uri.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...