CHAPTER 65 - Her Miserable Life

60 3 0
                                    

~PAIN~

PAGKABABA ko sa taxi na aking sinakyan mula sa private beach house nina Kamatis ay nagmamadaling pumanhik ako sa taas at saktong nakasalubong ko si Teresa. Natigilan ako ng makita ang asong kalong-kalong niya. I bit my lower lip when I remember kamatis face. Hindi matatapos ang araw na ito na hindi kita nababawi sa kanya kamatis. Nilapitan ko si Teresa sabay abot sa aso.

"I'll save him no matter what." sabi ko habang nakatingin kay Baby Maki.

"Wakai Josei?" nagtatanong ang mga mata ni Teresa habang nakatingin naman sa akin.

"Bantayan mo muna siya, may kailangan pa akong gawin." seryusong sabi ko at muling ibinalik si Baby Maki sa kanya. Tumuloy na ako sa loob ng apartment ko. Hindi ko kilala ang mga taong kumuha kay Forest pero ang pamilyar na pulang dragon sa sulat ay nakita ko na noon kay...Verano.

I conclude he came for me to avenge his lost son, he's poor psychopath son.Tsk. Kinuha ko sa ilalim ng aking kama ang parehabang kahon. Hindi ko aakalaing gagamitin ko ulit ang mga ito pero hindi ako mag-a-alinlangang gamitin ang mga ito kong para naman sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.

"Wakai Josei?"

Nabaling ang tingin ko kay Teresa na nasa hamba ng pintuan. Nagtatakang nakatingin ito sa akin.

"Don't you dare report this to your boss Teresa, keep your mouth shut!"

Tumango naman ito. "Puwede ko po bang malaman kong saan kayo pupunta?"

Umiling ako. "This battle is between me and that man, I want you to keep out on this Teresa. Hindi ko gustong gumawa kayo ng kahit anong hakbang na puweding ikapahamak ni Forest."

"Si Forest?" gulat na sambit nito.

"I don't have time to tell you the whole story Teresa, I need to go there before it's too late." binuksan ko na yung kahong iyon at tumambad ang mga armas na dala-dala ko ng umalis ako sa mansyon.

"Hindi kaya masyadong delikado ang gagawin mo Wakai Josei? Pupunta ka sa lugar ng mga kaaway na walang ka ide-ideya kong anong panganib ang nag-aabang sa'yo 'don?" nag-aalalang patuloy ni Teresa.

"Wala akong pakialam sa panganib na nag-aabang sa akin 'don, ang mahalaga mabawi ko si Forest." matigas at puno ng galit ns sabi ko kay Teresa. Hindi para sa kanya kundi sa taong kumuha kay Forest, ang lapastangang may lakas ng loob na gawing panakot si Forest para ano? para makaganti? Bullshit! Hindi din ako tanga upang hindi malaman ang mga panganib na puweding mangyari kapag pumunta ako sa lugar na nakasaad sa sulat na iniwan ng mga ito.

Kinuha ko sa kahon ang dalawang panghitang holster. Sinuot ko iyon sa magkabilaang hita ko at pinasok ang dalawang 9MM na baril tiyaka apat na magazine na puno ng bala. Nasabi ko ng hindi ako gumagamit ng mga armas dahil noong nasa Reaper's butterfly pa ako nasa combat group lang ako kasali, sa mga miyembrong gamit lang ay ang lakas ng sariling katawan. Doon ay hindi ako makakapatay ng tao pero sapat na upang makaganti ako sa mga taong may atraso sa akin.

Tulad sa mga taong naging dahilan kong bakit ako napasok sa organisasyon ng aking magaling na ama.

Sampung taong gulang pa lang ako 'non, Isang normal na bata na gusto lang ay makipag-kaibigan pero sa kasamaang palad ay walang gustong maging kaibigan ang isang katulad ko. Lahat sila laging may takot sa mga mata tuwing nakikita ako at hindi ko pa alam kong bakit ganun. Hindi ko pa alam ng mga panahong iyon ang tungkol sa organisasyon ng magaling kong ama. Ang tanging alam ko lang ay isang mataas na boss ito sa aming kompanya.

Isang araw sa isang parke, may isang lalaking lumapit sa akin. Naniniwala ako sa kasabihang, kapag bata madaling utuin o lokohin dahil iyon ang nangyari sa akin noon. Inalok akong bibili kami ng ice cream at dahil bata, tuwang-tuwa at excited akong sumama sa kanya yun pala ay may iba siyang plano. I was kidnapped at that age because of that fucking ice cream!

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon