PLEASE LANG sabayan 'nyong i-play ang kantang All about us habang binabasa itong chapter. Let see kong magkapareho tayo, habang ginagawa ko itong chapter ay sinasabayan ko ng kanta at pucha! kinikilig ako hahahaha, kahit pa ulit-ulit sa tenga ko yung kanta ay kinikilig parin ako. Hanep, kakaiba na talaga 'to. Sariling gawa ko ay napapakilig ako hahahaha!
Sana kayo din at try 'nyong sabayan ng kanta guys and let me inform kong kinilig din kayo and please samahan 'nyo ng malawak na imagination dahil ito ang pinaka-MUST na ingredient sa chapter na ito!
Click the external link to download ‘All about Us’ na kanta and let it play with you while reading this chapter. ENJOY!
-KimYunHae
------------------------------------------------------------------------
~FOREST~
(N/P: All about Us by He is We)
Napalunok muna ako bago ako lumapit sa kaniya. Nakatingin lang siya sa bawat kilos ko na tila handa itong manapak kong sakaling may mali akong ikinilos. Napalunok ulit ako.
♪…Take my hand
I'll teach you to dance
I'll spin you around
Won't let you fall down…♪
Kinuha ko ang isa niyang kamay nito. Ang laki ng kamay nito at ang gaspang pero hindi ko na lang pinansin iyon at dinala sa aking balikat, habang nasa waist naman nito ang isa kong kamay. Alam kong hindi katulad ni Yein na fat-free itong si Baki pero hindi ko na din iyon pinansin ang baby fats nito sa beywang. Hawak-hawak ko naman ang isa pang kamay nito. Nakatingin lang talaga ito sa akin. Sasabayan ko na sana ang kanta para makapagsimula na kaming sumayaw pero hindi ko na ituloy dahil hindi ito kumilos at mukhang walang balak talagang makipag-sayaw sa akin.
Huwag niyang sabihin na hindi siya marunong sumayaw ng ganitong klaseng sayaw? Kong ganun kailangan ko siyang turuan. Hinapit ko siya upang mas lalong magkalapit ang katawan namin, ang layo eh. Narinig ko ang pagsinghap niya sa aking ginawa, napangiti na lang ako.
“You can step on my feet.” malumanay na utos ko sa kaniya habang nakangiti parin.
♪…Would you let me lead
You can step on my feet
Give it a try
It'll be all right…♪
Mas napangiti pa ako ng marinig ang sunod na lyrics ng kanta. Yeah, she can step on my feet and let me lead this dance. Saktong-sakto ang kanta kaya feel na feel ko tuloy hahahaha.
“Okay.” napakunot noo ako ng ngumisi ito ng makahulugan, at nalaman ko kong bakit ito ngumisi ng inapakan na nito ang mga paa ko. Leche ang bigat! pero kaya ko naman kaya hindi na lang ako nag-reklamo pa. Sinimulan ko ng sabayan ang kanta habang buhat-buhat ng paa ko si Baki. Hindi ko pinansin ang bigat dahil pakiramdam ko ang saya ko ng mga oras na ito. Hindi ko alam kong saan galing ang sayang iyon pero ayaw ko ng mag-isip pa dahil ang gusto ko lang ng mga oras na ito ay isayaw siya.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...