WARNING: CONTAINS EXPLICIT WORDS AND VIOLENCE!
~PAIN~
SAKTONG alas-diyes kami nakarating sa sinasabi ng lalaking iyon na 'battle ground'. Kasama ang isang tauhan nitong siyang nag-dala sa akin sa lugar na ito. Isang malaking mansyon pala ang tinutukoy ng lalaking iyon. Sabagay, hindi na nakakagulat pang magkaroon ng ganito kalaking bahay ang lalaking iyon.
Pagbukas ko sa double door na pinto ay sumalubong sa akin ang malaking main hall ng mansyon. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng mansyon. Maroon at itim ang tanging mga pintura sa buong paligid. Makaluma pero elegante parin ang dating ng buong mansyong ito. Puting marmol ang sahig at may pabilog na carpet sa gitna. Ang malaking chandelier na nakasabit sa kisameng may dilaw na ilaw ang tanging nagbibigay liwanag sa buong paligid. Napapalibutan ng balkonahe ang buong hall at sinusuportohan iyon ng malalaking haligi. Lahat ng bintana sa unang palapag ay natatakpan ng makapal na pulang kurtina. Kaya kahit sino mang sumilip sa labas ay walang-wala siyang makikita. May ilang lumang paintings din ang nakasabit sa paligid na siguradong hindi basta-basta ang mga iyon. May dalawang hagdan sa dulo ng hall, papunta sa pangalawang palapag. Habang sa gitna ng dalawang hagdan na iyon ay may pasilyo na hindi ko na alam kong saan papunta.
"Did you like the place my princess."
Nabaling ang tingin ko sa lalaking nakatayo doon sa gitna ng pabilog na carpet. Kanina pa siya nakatayo 'don, Sinadiya ko lang na hindi pansinin dahil hindi naman talaga kapansinpansin ang lalaking ito. Ang dalawang kamay nito ay nasa loob ng bulsang suot nitong mahaba at itim na coat habang may nakakalokong ngiti sa mga labi, in his usual look.
"Let's begin this fight bastard." kalmadong sabi ko.
"Wait, don't be so excited Itami." he smirked and turn his back exactly to the passage I don't know what's on it. Ilang saglit lang ay may lumabas na isang bagay na binabalutan ng pulang tela habang tulak-tulak ng isang lalake ang flat bar trolley na kinapapatungan ng bagay na iyon. Isa siyang malaking box na puweding ihantulad sa kabaong ngunit nakatayo nga lang ito.
"I'm surely you will love my welcome surprise for you."
Hanggang makalapit na sa amin ang lalaking iyon at tinigil sa gilid yung dala nitong malaking bagay. Yumuko ito sa lalaking iyon bago umalis. Kapansin-pansin lang na walang emosyon ang lalake at nang-iitim ang ilalim ng mata nito. Nakangiting lumapit naman yung tarantadong lalake sa bagay na iyon at walang sabi-sabing tinanggal ang nakatakip na tela.
Isa siyang malaking box na gawa sa salamin. Ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay ang laman ng glass box na iyon. Tiningnan ko ang lalaking ngiting-ngiti sa mga sandaling ito.
"After tasting your body and destroying your hymen, I will also put you in this wonderful box and preserved your body so you can be officialy one of my collection." he twitched his lips for a playfull smile.
Nagtagis ang panga ko sa matinding galit sa sinabi niya. This fucking psychopath getting in my nerves BIGTIME! Muli kong tiningnan ang malaking glass box at nakaramdam ako ng awa sa babaing kong titignan mo ay tila mahimbing lang na natutulog ito pero hindi ako tanga para hindi malamang wala na itong buhay. Ginamitan lang ng kemikal upang i-preserved ang katawan at hindi maagnas. May kadenang nakasabit sa magkabilaang under-arm nito na nakakonekta naman sa taas ng glass box para panatilihing nakatayo ang babae. Nakasabit din ang panga ng babae sa isa pang kadenang tila kuwentas ang porma upang hindi ito yumuko kaya kitang-kita ang mukha ng babae. Nagmukha itong puppet, ngunit ang nakakapang-init lang ng dugo ay wala itong kahit anong saplot at kong isa ito sa mga koleksyon ng walangyang lalaking ito. Ibig sabihin ay marami pang katulad ng kawawang babaing ito na nandito sa mansyong ito. Naikuyom ko ang dalawa kong kamao sa aking naisip.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...