CHAPTER 66 - The Show

45 3 0
                                    

~PAIN~

Roman Theater. Basa ko malaking signage na nakalagay sa taas ng may kalakihang building. Hindi ako puweding magkamali na ito ang lugar na nakasulat sa papel na iniwan ng mga ito. Pagkababa ko ng aking sasakyan ay may nakita akong apat na lalaking nakaabang sa entrance. Kakaiba ang titig nila at kong isang ornidaryong babae lang ako ay paniguradong masisindak na ako sa takot pero hindi ako pangkaraniwang babae lang kaya hindi nila ako madadaan sa mga ganyang titig.

"Nasaan ang tarantado n'yong boss?" paangil na tanong ko.

Napansin kong nag-igting ang panga ng isang lalake, gayunpaman ay wala itong ibang ginawa kundi nanatiling nakatayo lang at matalim na nakatitig sa akin.

"Pumasok kana, kanina kapa hinihintay ni Boss." saad ng isang lalake bago binuksan ang pinto ng teatro.

Matalim na nakatingin ako sa mga lalake habang nilalagpasan sila, pinapakiramdaman ko din kong may gagawin sila. Uso pa naman ngayon ang patalikod na tira sa mga talunang katulad nila. Tsk. How pathetic!

Pagpasok ko ay isinara na yung pinto. Napakadilim ng buong paligid, wala akong maaninag maski isang bagay o si Kamatis man lang. Ilang saglit ay may bumukas na spotlight na siyang nakatutok sa akin.

"Maligayang pagdating Pain Herrera." ani ng isang boses na hindi ko alam kong saan nanggagaling.

"Nandito na ako kaya pakawalan mo na ang isang inosenteng hawak mo ngayon." kalmadong sabi ko.

Tumawa ito at nag-echo ang animo'y baliw na tawa nito sa buong paligid. "Huwag kang excited, gusto ko pang makipag-laro sa'yo."

"Gurang kana, gusto mo paring makipag-laro? Tsk." nakangising iiling-iling ako.

"Mag dahan-dahan ka sa tabas ng dila mo Pain, kong ayaw mong itong lalaking pinakamamahal mo ang siyang pagbuntongan ko ng galit kapag napikon ako sa mga salitang lumalabas sa madumi mong bunganga!"

Nagtagis ang bagang ko sa kanyang sinabi. "Pwes huwag kang makipag-laro sa akin kong ayaw mong mapikon dahil hindi ako isang mabuting playmate. Ipakita mo sa akin si Forest, ngayon na!"

"Sure, why not!"

Ilang saglit lang ay bumukas ang mga ilaw sa taas ng stage. Na ikuyom ko ang mga kamao ko ng makita si Forest na hawak-hawak ng dalawang lalake, ang masama pa 'don ay wala itong malay!

"Tarantado ka! Anong ginawa mo sa kanya?!" nagpupuyos sa galit na singhal ko habang patakbong lumalapit sa taas ng stage.

"Hep! Hanggang 'jan ka lang muna."

Kaagad akong napatigil. Ayaw ko mang sundin ang utos niya, hindi parin puwede dahil hawak pa nila si kamatis baka kong anong gawin nila sa kanya kapag hindi ako sumunod sa gusto nila.

"Huwag kang mag-alala, wala kaming ginawa sa kanya kundi pinatulog lang namin siya at paniguradong magigising na siya mayamaya kaya relax lang."

"Ano bang gusto mong mangyari?" nauubosan na ng pasensiyang tanong ko.

Muli itong tumawa. "Tutal nasa teatro tayo, gusto ko ng palabas!"

"Palabas? Eh di sana pumunta kang sinehan, maraming palabas 'don tanga!"

"Hindi ko gusto ang mga palabas sa mga sinehan, gusto ko ang palabas na ang bida ay IKAW."

Ako? takang tanong ko sa aking isipan. "Show yourself asshole."

"Fine." tiyaka may isang spotlight na namang bumukas sa kaliwang banda, sa gitna ng mga bakanteng upuan ay may lalaking naka-upo doon, may tabakong nasa bibig nito at bumuga pa ng usok bago tinanggal iyon saka ngumisi ng nakakaloko. "Kinagagalak kitang makita Pain Sleign Herrera. I'm Vincent Wilson, I hope your familiar in my last name."

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon