Chapter 33

90 5 3
                                    

[EDITED]

~FOREST~

TAHIMIK lang si Baki hanggang sa History subject namin. Kalmado at balik na sa dating blangkong ekspresyon ito hindi katulad kanina sa may hallway, halos hindi ko siya makilala dahil sa sobrang galit na tila umaapoy na mga mata nito habang nakatingin sa lalaking iyon.

Damn that guy! Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking history textbook ng muling mag-flashback sa isipan ko ang nakita kong pagdikit ng labi ng lalaking iyon sa labi ni Baki. Hindi ko alam kong bakit nakaramdam ako ng matinding galit sa dibdib ko ng mga oras na iyon. Huli ko ng napansin na isinigaw ko na pala yung pangalan ni Baki. Aminado akong gwapo din ang lalaking iyon at kahit sinong babaing mahalikan niya ay siguradong matutuwa pero itong si Baki ay hindi iyon ang naging reakasiyon. Galit na galit ito at kulang na lang durogin nito ang lalake sa pader, hindi lang iyon kundi pati ang mga mata nito ay nagsasabi sa totoong nararamdaman nito. Galit na galit ito. Parang isang Baki na nag-evolve sa pagiging demon ang nakita ko kanina. Nakakatakot!

Mabuti na lang walang faculty member na nakakita sa eksenang iyon kundi siguradong mapaparusahan sila.

Pero bilib naman ako sa lalaking iyon dahil nakaya pang ngumisi at parang bali-wala lang lahat ng atakeng ginawa ni Baki. Nang makaalis naman si Baki ay nag-iba na ang ekspresyon nito, naging seryuso na at nawala na yung nakakalokong ngisi nito. Ang weird. Napapitlag pa ako ng bumaling ito sa akin at saglit pa ako nitong sinuri bago tuluyang tumalikod at naglakad na, sumunod naman ang mga kasama nito at hindi ako pweding magkamali na ang isang lalaking kasama nito ay iyong lalaking sinuntok ni Baki noon. Napansin ko yung unipormeng suot ng lalaking iyon at pare-pareho silang naka-uniporme ng Everton University.Hindi kasi pinagbabawal na pumasok ang mga taga-EU lalo na’t nag-iisa lang naman yung may-ari ng dalawang school pero iba ang namamalakad sa EU, ang nakakabata at nag-iisang kapatid ni Dad na si Aunt Hilary. Katulad ni Dad, mabait at masayahin si Aunt Hilary, not like their dad which is my lolo.

Napailing ako ng maalala ko si Lolo. Ibang-iba ito kila Dad at Aunt Hilary. Mabuti na lang nasa U.S ito nakatira at minsan lang kong makauwi, ito kasi ang nag-ma-manage ng Everton Grand Hotel sa U.S kaya miminsan lang talaga ito makauwi sa Pilipinas. Which is great! matinding nerbiyos kasi ang aking nararamdaman tuwing narito si lolo.

 Seryuso at hindi palangiti si lolo at nakakatakot ito para sa akin lalo na’t ang taas ng expectation nito sa mga apo, that’s why nag-aaral ako ng mabuti dahil ayaw kong ma-disappoint ito sa akin lalo na’t ako ang nag-iisang apo nitong lalake kaya ako talaga ang pinagtutuonan ng pansin at nasabi na niyang ako daw ang sunod na magmamana ng EGH. Ayaw ko sa ideyang iyon dahil gusto kong maging isang lawyer pero hindi ko naman masabi-sabi dito ang totong gusto ko dahil sa takot na mabulyawan niya ako. Pag-sinabi ni Lolo na maging isa kang ‘business man’ dapat sundin mo iyon, tulad ng ginawa niya kay Dad at Aunt Hilary pero sa huli ay natanggap naman ng mga ito ang naging desisyon ng kanilang ama. Pero ayaw ko talagang maging business man, gusto kong maging lawyer!

Napabuntong hininga na lang ako.

 “Get a piece of paper, let’s have a short quiz about the topic I just discuss to you class.” sabi ni Mr. Claro matapos siyang mag-discuss. Tumalima na kaming kumuha ng papel at ballpen, ilang saglit lang ay nagsimula na sa maikling pagsusulit itong si Mr. Claro. Strikto si Mr. Claro pero hindi siya ganun ka-strikto pagdating sa pagsusulit, pero hindi parin pweding mag-kopyahan.

“Pass you paper class in front.” utos ni Mr. Claro pagkatapos ng pagsusulit nitong ibinigay, kaagad naming ipinasa sa harap ang mga papel namin. Kinuha ni Mr. Claro lahat ng papel na nasa harapan at pinagpalit-palit saka inutosang kumuha ng isa para ma-check-an. Nagkataong napunta naman sa akin ang papel ni Baki pero natigilan ako at maiging tinitigan ang ¼ na papel nitong…

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon