~TAKI~
LABIS na naghihinayang ang kalooban ko ng gabing ito dahil hindi man lang ako nagkaroon ng chance na makitang muli si Miss Beautiful upang tanongin kong pwede siyang maging partner ko sa Welcome party kaya heto, ang lungkot lungkot ko sa gabing ito hindi tulad sa mga nagdaang welcome party na sobrang saya ko, pagpasok palang ng convention center.
Sayang! dapat pala nagpakalat ako ng fliers para hanapin si Miss Beautiful! Napailing naman ako sa aking naisip dahil ano namang isusulat ko sa fliers eh mismong pangalan niya ay hindi ko alam, hindi naman pweding Miss Beautiful ang isulat ko baka dagsain naman ako ng mga babaing feeling beautiful jan. Mahirap na!
Hindi naman sa nangungutya ako sa mga kababaihan pero umpisa ng makita ko siya ay pakiramdam ko siya lang ang nag-iisang pinakamagandang babaing nakita ko. Siya lang! Unang kita ko palang, naramdaman ko na yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko yung sinabi ko sa aking sarili na kong sino man ang mag-bibigay ng ganung damdamin sa akin ay siya na yong babaing hinihintay ko. She is my behalf. Naging playboy ako hindi dahil gusto ko silang lokohin kundi parte iyon ng aking paghahanap sa babaing para sa akin. Hindi naman ako yong tipong playboy na tumatagal lang ng isang oras ay tapos na ang relasyon. I'm not that mean, hindi ko intensyong manakit ng damdamin. Maayos akong nakikipaghiwalay sa mga babae at kong dumating na sa puntong hindi nga siya ang hinihintay ko ay hinihiwalayan ko na ito upang hindi na lumalim pa ang nararamdaman nito para sa akin. Maayos kong pinapaliwanag sa kanila ang dahilan ko kong bakit kailangan ko silang hiwalayan at maayos din namang tinatanggap nila iyon.
Pero tumigil na ako sa paghahanap ko dahil nakita ko na siya. Yun nga lang hindi ko na muling nakita si Miss Beautiful na tila ba kay hirap nitong hagilapin sa school. San ba ito nagsusuot at ganito na lang siya'kay hirap na makita ng mga mata ko? Tsk.
Hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya na halos malibot ko na yung buong convention center ay hindi ko parin ito nakikita. Tumigil lang ako saglit ng sumayaw ang EDC at nagulat ako ng makitang si Baki pala iyong napakagaling na kumuha ng attensyon ng lahat. Grabe ang galing pala niyang sumayaw, sigurong bilib na bilib iyong lokong Everton ngayon. Tsk, interesado daw eh halatang gusto naman si Baki hahahaha sa tingin ko naman mas okay iyong si Baki kaysa kay Yein. Masasabi ko namang totoo si Baki kaysa kay Yein dahil ngayon palang pinapakita na ni Baki ang totoong ugali, hindi tulad kay Yein na kay bait bait yun pala may tinatagong sungay. Tsk.
Nagsimula na akong maghanap ulit. At yung kaninang malungkot na kalooban ko ay napuno ng galak ng makita ko ang nakangiting napakaganda sa balat ng lupa!
Miss Beautiful! sigaw ng aking isipan at kaagad na akong kumilos upang lapitan ito. Baka makawala pa ito, mahirap na. Mas lalong lumakas ang kutob ko na siya na talaga ang babaing para sa akin dahil tadhana na itong gumawa ng paraan upang makita ko siya ngayong gabi. Nakasuot ito ng peach na dress na mas lalo lang bumagay sa kutis nito. Naka-bun ang mahabang buhok nito na mas lalong bumagay sa cute nitong mukha, simple lang din ang make-up nito at sapat lang iyon dahil natural na siyang maganda na no need na ang isang makapal na make-up para dito.
Kahit wala na ngang make-up ay maganda parin ito. Para siyang manyika sa ayos nito. Ang ganda-ganda niya ngayong gabi. Nakangiting lumapit ako sa kanila, may kausap kasi itong dalawang babae. Natigilan ang mga ito ng tumigil ako sa harapan nila. Ang dalawang babae ay halatang na mesmerized sa kagwapuhan ko dahil nangniningning ang mga mata nila pero itong si Miss Beautiful ay hindi man lang yata tinablan ng kagwapuhan ko.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...