CHAPTER 67 - Revelation

52 3 0
                                    

~PAIN~

NANATILING nasa gitna ako ng teatro habang nakatingin sa taas ng stage, nasa tabi na ni kamatis ang ama ni Verano habang ang mga tauhan nito ay nasa paligid lang din sa taas ng stage. Biglang nag-sulpotan ang mga ito ng makaakyat na ang boss nila.

"Bago ko simulan ang palabas, gusto ko muna ng introduction sa bida ng palabas ko." nakangising anunsyo nito. "Handa kana ba Pain?"

"Sabihin mo na, pinapatagal mo pa eh." asik ko.

"Kong iyan ang gusto mo, sisimulan ko na." sabi nito at tiningnan si Kamatis. "Kilala mo na ba hijo ng lubosan ang isang Pain Sleign Inoue Herrera?" nakangiting tanong nito kay Kamatis.

Kaagad akong nakadama ng kakaiba na animo'y hindi maganda ang sunod nitong sasabihin sa parte ng kanyang introduction.

"Wala kang pakialam kong hindi ko pa siya lubos na kilala! Its none of your fucking business!" singhal ni kamatis habang nagpupumilit na kumawala sa dalawang lalaking nakahawak sa kanya.

"What if I tell you that her father is a kingpin of a notorious criminal organization, a mobster and she is his only daughter?"

Kitang-kita kong natigilan si kamatis matapos iyon marinig. Gusto ko mang patigilin ang tarantadong lalaking ito pero wala akong magagawa, kong ito na ang tamang panahong malalaman niya kong sino talaga ako ay bahala na, ang mahalaga muna sa ngayon ay maligtas siya sa panganib.

Nagtatanong ang mga mata ni kamatis habang nakatingin sa akin na tila gusto nitong malaman kong totoo ba lahat ng sinabi nito.

Napapikit ako sabay tango. Ayaw kong makita yung magiging reaksyon niya. Alam kong kamumuhian niya ako dahil sa bagay na iyon, tulad ng mga taga-WIA sa dati kong pinapasukang paaralan na walang ibang ginawa kundi husgahan ako at mag-imbento ng masasamang istorya tungkol sa akin.

"Siya ay nagahasa noong sampung taong gulang palang siya."

Natigilan ako dala ng sobrang gulat sa sunod na sinabi nito. Paano't...pati iyon ay alam niya? Naikuyom ko ng mahigpit ang dalawang kamao ko bago ko tiningnan si Kamatis.

Hindi ko mapangalan ang mga emosyong nakikita ko sa mukha niya.

"Kaya mo pa bang mahalin ang isang babaing nadungisan na ng iba? Madumi na siya at natikman na ng iba kaya hijo, mas mabuting maghanap ka ng iba na iyong birhen at siguradong ligtas ka sa sakit." dagdag pa nito bago tumawa ng mala-demonyo.

Kaagad na nag-init ang mga dugo ko sa sobrang galit, nanginginig na ang kamao ko na umabot sa puntong gusto kong masuntok ang pagmumukha ng tarantadong Vicente na 'to pero pinilit kong pigilan iyong galit na unti-unting napupukaw sa loob ko. Kailangan kong kumalma bago pa ako makagawa ng bagay na pagsisisihan ko habang buhay.

"Pain."

Kaagad kong nakalimutan yung galit na iyon at napalitan ng hiya. Nahihiya akong tignan sa mga mata si Kamatis, tila wala na akong mukha pang ihaharap sa kanya matapos nitong malaman ang mapait na nangyari sa akin noon. Alam kong modernong panahon na tayo ngayon na ang iba ay hindi na pinahahalagahan pa ang pagiging birhen pero para sa akin, mas maganda paring malinis at buo ka kapag dumating ang tamang panahon. Na dapat ay ibinibigay mo lang ang bagay na iyon sa lalaking matatawag mo ng 'asawa'. Old fashion man pero iyon naman talaga ang tama.

Gusto ko sana iyon pero wala na akong magagawa pa dahil ang isa sa mga lalaking lapastangang iyon ay kinuha na sa akin.

Bagkus na tingnan si Kamatis ay napayuko na lang ako. Muling nanumbalik ang galit ko ng marinig ulit ang tawa ng lalaking iyon. Maghintay ka, tignan ko kong makakatawa ka pa ng ganyan.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon