CHAPTER 68 - Pain

57 2 0
                                    

~FOREST~

HINDI ko alintana kong liham na ng mga luha ang mukha ko habang pilit akong kumakawala sa mga lalaking nakahawak parin sa akin. Ang tanging gusto ko lang ay makawala at protektahan si Baki sa mga ito ngunit kahit anong gawin ko ay wala paring epekto, sadiyang napakalakas ng mga lalaking ito kaysa sa akin. Ngunit natigilan ako ng marinig ang malakas na putok ng baril na 'yon. Kong paano tumigil ang pag-tibok ng puso ko ng makita yung dugong bumakas sa suot na damit ni Baki. Indikasyong tinamaan ito at may sugat! Kaya mas lalo akong nagpumilit na makawala. Kahit kalmado at walang reaksyon ito sa nangyari, alam kong nasaktan siya. Gusto ko siyang protektahan sa mga ito pero wala akong magawa. God damn it! Bakit napakawalang kwenta ko?

Wala akong magawa para sa babaing mahal ko.

"Tignan mo ang mahal mong nobya hijo, masyadong nagpapaka-bayani. Puwede naman niyang iligtas ang sarili niya at iwan ka pero pinili niya iyan kaya huwag mo akong sisihin." ani ng lalake na hawak-hawak na ang panga ni Baki.

Nagtagis ang mga bagang ko dahil wala siyang karapatang saktan ang babaing mahal ko o itrato ng ganito! Kong nakakamatay lang ang tingin, paniguradong nakahandusay at naliligo na sa sariling dugo ang lalaking ito. Hindi ako naniniwalang pinatay ni Baki ang sinasabi nitong anak. Kong makakaligtas kami dito, alam kong ipapaliwanag sa akin ni Baki ang lahat, ayaw kong gumawa ng konklusyon lalo na't wala akong alam sa buong pangyayari.

"Baki! Please lumaban ka naman! Magaling ka diba? Pinangalanan kitang Baki dahil parehas kayong malakas, magaling lalo na't pagdating sa suntokan kaya ipakita mo naman iyon sa akin ngayon!" umiiyak na pakiusap ko kay Baki na tinatanggap lahat ng suntok at tadiyak ng lalake.

"No! Please, tama na! Itigil 'nyo na 'yan. Maawa kayo." punong-puno ng pagsusumamong pakiusap ko sa lalaking boss nila.

Ngumisi lang ito. "Ang mga tulad niya ay hindi nararapat na kaawaan." Napakagat ako ng labi ko ng makitang tinadyakan nito si Baki. Pisikal na hindi ako nasasaktan pero tadtad naman ako ng sakit sa emosyon ko. Masakit na masubaybayan itong paghihirap niya, kong puwede lang na mag-palit kami ng katawan ay ginawa ko na!

At sinong gago ang matutuwa kong makikita mo sa harap-harapan kong paano saktan ng mga walanghiya ang pinakamamahal mong babae? Sino at maupakan ko.

Alam kong nahihirapan na rin ito dahil sa mga suntok at tadiyak ngunit nagawa parin nitong maging blangko ang ekspresyon sa mukha. Naalala ko yung sinabi nito sa akin noon:

"Nasasaktan din ako syempre pero hindi ko iyon pinapakita dahil kapag pinakita kong nasasaktan ako, iisipin lang ng aking kalaban na mahina ako."

Kaya natatakot ako para sa kalagayan niya, babae parin siya at nasasaktan. Tulad ng sinabi niya din noon ay hindi siya bakal at nakakaramdam din ng sakit. Sa muling pagsuntok ng lalake kay Baki ay natumba na ito sa sahig.

I need to protect her! Buong diterminasyong sabi ko sa aking isipan. Buong puwersang ginamit ko yung mga balikat ko upang itulak ang dalawang lalaking nasa kaliwa at kana ko. Tagumpay naman kaya mabilis akong tumakbo sa gawi nila Baki, dahil nakatali ang dalawa kong kamay, hindi ako makakalaban kaya ang tangi kong ginawa, Sinalag ko yung suntok na para sana kay Baki...

~PAIN~

DAHAN-dahan kong nilingon si Forest na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Nakalimutan ko yung kaninang iniinda kong sakit dahil sa mga suntok,tadiyak pati na yung mahapding pag-daplis ng bala sa balikat ko ng masaksihan ang malakas na pag-suntok ni Vincent kay Forest na dapat para sa akin!

Inabot ko ng aking isang kamay si Forest. "F...Forest." sa nanginginig na boses na tawag ko. Sinubokan ko siyang yugyogin pero wala. Pakiramdam ko ay ang mga makukulay na larawan ay unti-unting nawalan ng kulay, ang liwanag ay muling dumilim hanggang tuloyang naging walang kwenta ulit ang mundo ko. Tulalang nakatingin ako kay Forest.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon