Chapter 37

75 4 6
                                    

~PAIN~

PAG-UWI ko palang kagabi ay nakaramdam na ako ng senyales na magkakaroon nga ako ng lagnat at kina-umagahan naman ay tuloyan na ngang naging lagnat iyon. Kulang na lang ibaon ko yung daliring humihilot sa sentido ko dahil sa matinding sakit ng ulo. Tinatamad nga akong bumangon pero hindi naman ako puweding humiga na lang buong araw lalo na’t balik na kami sa klase. Kailangan ko pang humabol sa mga leksiyong hindi ko na-take-up. Alam kong excuse kami pero hindi naman ibig sabihin 'non ay hindi ko na pag-aaralan ang mga tinalakay nila noong nag re-review kami. Hindi iyon puwede sa akin.

Kahit long-sleeve yung uniporme namin, ramdam ko parin yung lamig kaya nagsuot na lang ako ng jacket. Pagdating ko sa EHS, lahat ng estudyanteng makasalubong ko ay nagsasabi ng congrats. Tango lang yung tugon ko sa kanila habang tuloy-tuloy na naglakad.

“Congrats Pain.” bati ng mga kaklase ko ng makapasok ako ng classroom.

“Good Morning Baki!”

Napatingin ako kay kamatis na ang tingkad ng pagkakangiti habang kumakaway-kaway pa ito. Parang bata. Napailing ako lalo na ng maalala ko ang ginawa nitong pagtawag sa akin kagabi. Hindi ko iyon sinagot dahil siguradong mapupuna nitong may sakit ako kahit alam ko namang napansin naman nito kahapon na may mali na sa akin. Kailangan ko pang mag-sinungaling sa kanila para maka-alis ako na hindi ako nakapasok sa trabaho dahil sa pag-re-review ko. Umuwi muna ako sa bahay para makapagpahinga saglit at umaasang mawawala din pero hindi. Ramdam ko na kagabi iyong sakit ng ulo at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko subalit ganun na yung pakiramdam ko, pumasok parin ako sa BAC. Sayang ang kita eh.

Unang beses kong ginamit pang-text ang cellphone na bigay sa akin ni kamatis at kagabi ko lang din nalamang ang hirap pala gamitin pang-text ang lecheng cellphone na iyon, halos 5 minutes akong nag p-pindot sa screen bago ko matapos at ma i-send ang maikling message na iyon. Ilang beses pa akong erase ng erase dahil iba iyong napipindot ng aking daliri. Badtrip!

Pagkaupo ko ay lumapit din si kamatis at naghila ng upuan sa may harapan ko at naubo habang ngiting-ngiti parin. Gusto ko siyang suwayin dahil nagmumukhang engot siya kakangiti nito pero hindi na lang ako nag-salita pa dahil siguradong mahahalata akong may sakit dahil sa boses ko.

“Nag-breakfast kana ba Baki?” tanong nito.

I nod.

“Hindi naman malamig pero naka-jacket ka? Tsk. Ang pangit mo talaga manamit.”

Hindi ko na lang iyon inimik.

“Sama ka this Saturday ha, punta tayong Baguio for celebration!” masayang-masaya na wika ni kamatis at mukhang nagniningning pa ang mga mata.

I clears my throat before I speak. “I’m bussy.” tipid na sabi ko at kinuha ko na yung textbook sa physics at nagkunwaring nagbasa.

“Tsk! Bussy ka din kagabi, may tatlong exclamation point pa tapos bussy ka din hanggang ngayon? Huwag mong sabihing bussy ka parin hanggang bukas?”

Hindi ko siya pinansin. Ayaw kong makipagtalo lalo na’t may pumupokpok ng aking ulo sa mga oras na ito. Tumitindi ang sakit. Leche.

“Sumama kana Baki, tayong magkakaibigan lang naman ang mag-c-celebrate.” pilit nito.

Gusto ko siyang tanungin kong bakit ‘magkakaibigan’ ang ginamit nito dahil siya lang naman yung binigyan ko ng pirmisong maging kaibigan ko. Subalit nanatili parin akong walang imik. At laking pasasalamat ko ng dumating na si Miss Rolly kaya natigil na ito sa pangungulit.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon