Chapter 39 - Trip to Baguio

91 3 1
                                    

~FOREST~

            “NASAAN ang jacket mo?” tanong ko kay Baki matapos naming madaanan yung Lion’s Head na nagsisilbing welcome marker ng Baguio. Senyales na nasa Baguio na kami at siguradong unti-unti na din naming mararamdaman yung malamig na klima ng lugar at ng balingan ko si Baki, wala itong suot na jacket. Naka-simpleng shirt at pantalon lang ito.

Pahirapan pa bago ko siya mapapayag na sa kotse ko na siya sumakay kaysa dalhin pa yung 4X4 na sasakyan niya. At tulad ng nasa plano, Mag o-over night kami dito sa Baguio at hapon na ng linggo kami uuwi. Biyernes palang ng gabi ay hindi ko na mapigilang ma-excite at mag-isip ng kong ano-anong bagay na pwede naming gawin ni Baki. Kaagad kong naisip ang popular na pasyalan sa lugar, walang iba kundi ang Burnham Park, maybe we’ll try the swan boat and ride a bike. Horse back riding in Wright Park. Picnic in Camp John Hay or pick some strawberries together. Iniisip ko palang ang mga iyon ay tumatalon na sa tuwa ang puso ko at sa excitement. Hindi na ako makapaghintay na gawin namin iyon ni Baki.

Hindi ko inaasahan na pagdating kay Baki ay nagiging romantiko akong tao. Nakakahiya man dahil mukhang kabaklaan iyong lalake pa ang nagiging romantiko kaysa sa babae pero isipin 'nyo na yung gusto 'nyong isipin pero hindi ako magdadalawang isip na maging romantiko pagdating sa Baki of my eye ko.

Ang sweet mo talaga Forest! puri ko sa aking sarili. Hahaha

Nasa unahan ko naman yung kotse ni Taki, kasama nito sa kotse si Charlie. Wala pang na i-k-kwento si Taki tungkol sa estado ng kanilang relasyon pero mukhang okay naman dahil sa ningning palang ng mga mata nitong hapon ay masasabi kong masaya ito sa ano mang meron sila ni Charlie. Nasa likoran ko naman si Pyro, kasama naman nito yung officially girlfriend niya na si Yami.

Kailan din kaya kami ni Baki? Napangiti ako sa aking naisip. I can wait for that.

“Nakalimutan ko eh.” sagot nito habang nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang wala man lang itong pakialam kong lamigin siya.

Inabot ko yung jacket ko na nakapatong lang sa likoran ng driver’s seat. Nakasuot naman ako ng sweat shirt, mabuti na lang nag-dala pala ako ng extra. “Suotin mo 'to.” sabi ko sabay abot ng jacket sa kanya. Saglit ko siyang tiningnan bago binalik sa daan ang mata. Nakatingin parin ito sa labas ng bintana habang kandong-kandong ang itim na backpack nito.

Napangiti ako ng ilang saglit lang ay inabot din nito yung jacket ko.

Simpleng bagay lang iyon pero napapangiti na ako ng husto. Ganyan ang epekto nitong Baki of my eye ko.Malupet!

Halos apat na oras ang naging biyahe namin mula Pasay hanggang Baguio bago namin narating ang Camp John Hay Manor Hotel. Ang hotel na ito ay ginamit sa isang palabas sa t.v at binigyan ng bagong pangalan na ‘Grande Hotel’ kaya mas lalo lang itong naging-kilala sa buong bansa at mas tinangkilik  at binabalik-balikan. Lumabas na ako ng kotse at inabot sa valet. Pinagbuksan ko ng pinto si Baki saka kinuha yung dala nitong backpack. Ayaw pa sana nitong ibigay pero kinuha ko parin iyon. Kinuha ko na din yung bag ko sa may backseat at sabay-sabay na kaming anim na pumasok sa loob ng hotel. Ang maganda dito sa maikling bakasyon naming ito ay libre ni Taki yung gastos sa hotel accommodation kaya ayos na ayos. Hahaha. Nag-chek-in na kami at kinuha ang kanya-kanyang susi ng hotel room na tutuluyan namin. Bali magkatabi-tabi lang yung mga kwarto namin at sinadiya kong kunin yung room na magkasunod lang para sa aming dalawa ni Baki.

“Magkatabi ang room natin Baki.” ngiting-ngiti na sabi ko habang pasakay kami ng elevator. Nasa 2nd floor yung mga room namin.

“Sinadiya mo eh.” mahinang sabi niya habang nakatingin lang sa nakasaradong pinto ng elevator. Nasa likoran namin ang apat at may kanya-kanya naman kaming pinag-uusapan pero tulad ko, pareho silang may mga planong gawin sa maikling stay namin  dito sa Baguio.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon