Chapter 3

604 7 2
                                    


  -Thank you PHR EDITOR STAFF, ang laking tulong ng nagawa nila para i-improved ang kwento nina Yushihiro at Yuri (Read their story...Kiss Me and I'll Be Your's, posted na yung ilang chapters ng bagong version ng kuwentong KMAIBY pero hindi pa COMPLETED. ) 

Enjoy Reading

  

~FOREST~

"I'm not interested on you."

"I'm not interested on you."

"I'm not interested on you."

d>>__<<b

'Anak ng PUCHA! hindi niya alam kong anong paghihirap ko bago ako magkaroon ng lakas ng loob para lapitan siya tapos...

'I'm not interested on you.'

...ang itutugon sa akin? Arg!!'

"Anong pinapadyakpadyak mo jan?" takang tanong ni Pyro.

"May plano kabang maging pedicab driver dre?" birong tanong ni Taki.

"Tss...sa gwapo kong 'to? pedicab driver? Ha! NO WAY!"  hindi ko namalayang nagpapadyak-padyak na pala ako habang naka-upo sa isang bench, dahil sa sobrang abala ang isip ko tungkol sa sinagot ng weirdong Pain na iyon.

'BAKIT HINDI SIYA INTERESADO SA AKIN?!!'

d>_<b

Napakuyom pa ako ng kamao ko dahil hindi talaga matanggap ng gwapo kong sarili na may isang babae ang hindi interesado sa akin at ang nakakainis pa ay iyong weirdo na hindi naman kagandahan, may katabaan ang hindi interesado sa akin!

"Ano bang iniisip mo jan? mukhang ang lalim ah." may ngising tanong ni Pyro.

"Wala!" singhal ko, hindi ko sinasadiyang ma-singhalan si Pyro pero...

dT_Tb

hindi talaga matanggap ng isipan ko yung nangyari sa akin kanina. Na iinis ako na naasar, gusto kong magalit sa lahat dahil lang 'don pero syempre hindi naman pweding damayin ang mga inosenteng tao.

"Ang init pa ng ulo mo, ano bang nangyari sa'yo kanina ng mag-paalam ka?" nagtataka ng tanong ni Pyro.

Napailing ako.

'Pwede ko naman yatang i-share?'

Tumikhim ako. "Nilapitan ko si Pain..."

"ANO!!" bulalas ni Taki.

Nagtatakang binalingan namin si Taki dahil EXAGGERATED ang reaction niya kong hindi niya napansin. Napangiti naman si Taki at nagkamot pa ng ulo.

"Ba't ganun ka naman makapag-react?" tanong ko dito.

"Hehehehe wala lang, trip lang."

Tsk..

"Hayaan mo na nga ang abnoy na 'yan at ituloy mo ang iyong kwento." si Pyro.

"So nilapitan ko si Pain, at sinabing interested ako sa kaniya pero bago kayo mag-imagined ng kong ano-ano tungkol sa pagiging interesado ko sa weirdong babaing iyon ay dahil gusto ko lang tuklasin ang mga misteryong nakabalot sa kaniya, ganun lang yun."

"Hmm...talaga lang ha." nanunudyo ang ngiting ibinigay ni Pyro sa akin.

"Tsk, tumigil ka, hindi ganun ang type ko, iyong maganda, sexy, mabait..."

"Tulad ni Yein?" dugtong pa ni Taki na napatigil naman ako, lahat ng mga katangiang sinabi ko kanina ay saktong-sakto lang para i-describe si Yein. Hanggang ngayon, nararamdaman ko parin ang sakit sa puso ko dahil sa ginawa ng babaing una kong minahal, na pinagkatiwalaan ko ng puso ko pero ang ginawa ay sinaktan lang ako at niloko.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon