Chapter 4

205 5 1
                                    

(A/n: I dedicate this chapter to 

~PAIN~

PAGKABABA ko ng aking sasakyan nakita ko si Forest, tila gulat na gulat itong nakatingin sa akin. Lihim akong napailing dahil naaasiwa ako sa mukha niya...

'mukha siyang engot!'

"S-sasakyan mo yan?!" nanlaki pa ang mga mata nito habang nakaturo sa 4x4 kong sasakyan.

Tumango lang ako saka nilagpasan siya, naalala kong isa din pala ito sa mga taong interesado sa akin.

'Tsk...tsk..tsk, kong alam lang nila kong sino ang kina-iinteresan nila'

"Hoy kinakausap pa kita!" narinig kong singhal nito pero hindi ko parin siya pinansin. Mabuti naman at hindi na siya sumunod pa kaya dumeretso na ako sa locker ko upang kunin ang P.E uniform ko.  P.E namin every Wednesday. Pumasok ako sa isang banyo at pagpasok ko, nagulat lahat ng naroon.

"Miss panglalaki 'to!" saway ng isang lalake doon.

"Tss...okay naman sanang isang magandang dilag ang naligaw pero hindi naman, hahahaha!" sabi pa ng isang lalaking umiihi sa urinal. Hindi ako apektado sa sinabi niya, tumalikod na ako upang lumabas. Saka napatingin sa nakasulat sa pader.

'FOR MEN'

d-__-b

Kailan ba ako matututong mag-basa muna ng mga signs? nasa katabi pa pala ng panlalaking banyo ang pangbabae. Pagpasok ko ay saktong ako lang ang naroon kaya napailing pa ako dahil sa nangyaring iyon. Pumasok na ako sa cubicle upang mag-bihis at kaagad ding lumabas. Saka pumuntang gym. Naroon na ang mga kaklase ko at naghahanda na sa larong volleyball. Ngayon palang sinusubukan ko ng bawasan ang lakas ng mga kamay ko. Hindi ako naglalaro ng volleyball dahil pakiramdam ko nahahasa ang lakas ng kamay ko sa bawat pagtira at masamang masama iyon dahil baka sumobra. d-__-b

Kaya mas gusto kong laruin ay baseball dahil hindi ko na kailangan pang kontrolin ang lakas ko 'don dahil kinakailangan ng lakas tuwing titira ka sa bola o di kaya basketball.

"Okay class, before we start let's have some brief question about 'volleyball'" nakangiting sabi ni Miss Maylene Abaygar, P.E instructor. "How many different contries are affiliated to the international Volleyball Federation?"

Tumaas ang isang kamay ng isang kaklase ko. "210 different countries Miss Abaygar."

"Good Miss Sison, then who created a new game called Mintonette and we all known as Volleyball, a pastime to be played preferably indoors and by any numbers of players?"

"William G. Morgan, a YMCA Physical Education Director  created that game Miss Abaygar." sagot naman ng lalaking kaklase ko.

"Hmm...magaling,  yan ang gusto ko sa mga estudyante, nag-aaral ng mabuti." ngiting-ngiting sabi ni Miss at tumingin sa akin. "What about you Miss Herrera, did you study our topic today?" tanong nito sa akin.

Now you're confused about my name, let me explain what happened last time when I was going to introduce myself. Nagsasalita palang kasi ako last time sa klase ni Miss Zambrosa at hindi pa tapos iyon pero inakala na nitong iyon na yung buong pangalan ko, and I know mali rin ako dahil hindi ko tinama iyon but I don't care, malalaman din niya iyon sa huli. Mabuti na lang itong si Miss Abaygar, tumitingin sa class record niya. My full name is not just 'Pain Sleign' that was my given name, my full name is 'Pain Sleign Inoue Herrera' I had a Japanese blood running through my body and veins. Doon ko din nakuha yung singkit na mata ko na ayaw na ayaw ko dahil hindi bagay sa matabang katawan ko. Tsk!

'PAKIRAMDAM KO ISA AKONG SUMO WRESTLER!!'

d>_<b

Alam kong hindi naman ako ganun kataba tulad ng isang sumo pero naiinis talaga ako sa singkit kong mga mata! Buwiset!

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon