Chapter 27

76 1 0
                                    

(Edited)

~PAIN~

“GOODNIGHT Pain!” nakangiting paalam ni Debora matapos naming maisara ang BAC. Nagpaalam na rin ang ilang mga staffs. Nag-inat muna ako ng katawan dahil napagod ako ngayong gabi lalo na’t dinagsa ng madaming customer ang BAC, hindi lang ako napagod kundi nagutom din kaya kailangan ko ng makauwi sa bahay. Sasakay na sana ako sa maangas kong sasakyan ng maramdaman kong tila may mga matang nakamasid sa akin kaya napatingin ako sa likoran ko.

Pero saktong paglingon ko ay may isang lalaking sumaklit sa mga balikat ko at isinalya ako sa pinto ng driver’s seat. Napakagat pa ako sa ilalim ng labi ko dahil doon. Ng matignan ko kong sino iyon, gusto kong mapangisi dahil ang buong akala ko ay hindi ko na makikita ang taong ito. Nasa harapan ko parin ito at sinasakal ako nito gamit ang isang braso nito na nasa leeg ko.

“Long time no see Pain.” may diin pero nakangising sabi nito. Bakas sa boses nito ang labis na galit pero hindi niya ako masisindak ng ganito na lang. Tsk.

Napangisi ako. “Ang lakas ng radar mo ah, ang layo ng Lucena sa Pasay pero heto ka at nasa harapan ko.”

“Akala mo ba hindi kita makikita? tsk kahit saan kapa pumunta, makikitang-makikita parin kita.”

“Ano bang kailangan mo Lacio? Hindi ka parin ba natututo ng leksyon mo at hinanap mo pa talaga ako?”

“Pvt@ngin@ mo!” singhal nito at binunggo na naman ako nito sa sasakyan ko. “Pagkatapos ng ginawa 'nyo sa grupo ko? akala mo ba hahayaan ko na lang iyon at matatakot na lang habang buhay? BOBO! PAPATAYIN KITA PAIN!”

Aakmang ibubunggo na naman niya sana ako sa aking sasakyan ng unahan ko siya, tinuhod ko ito sa gitna ng mga hita niya ng malakas at sapat lang para hindi na siya makakabuo pa ng lahi niya. Nabitiwan ako nito at napaupo pa ito sa sobrang sakit habang sapo nito ang nasaktang bahagi. Inayos ko yung kwelyong nawala sa ayos dahil sa pagkakasakal nito at nakahalukipkip na binalingan si Lacio na namimilipit sa sakit. “Huwag kang abuso Lacio, ang dalawang pagbunggo mo sa akin ay sapat na at magpasalamat ka walang nangyaring masama sa sasakyan ko kundi, hindi lang ang lahi mo ang kukunin ko kundi pati na rin ang buhay mo.”

“Ang y-yabang-yabang mo parin Pain pero tandaan mo 'to p-pagsisisihan mo ito!” gigil na gigil sa galit na singhal nito kahit hirap na hirap sa kanyang sitwasyon.

“Tsk matagal na tayong magkakilala Lacio pero mukhang bagong-bago parin sa'yo itong pagiging mayabang ko, at ang bobo mo rin no dahil ako itong hinanap-hanap mo na wala naman akong kinalaman sa nangyari sa mga inutil na myembro mo sa walang kwentang gang na binuo mo, nasayang pa tuloy ang pamasahe mo papunta rito.” sabi ko at napailing pa na kunwari hinayang na hinayang ako sa ginawa niyang pagsasayang ng pamasahe.

Galit na galit na pinilit nitong makatayo ng maayos kahit sapo parin nito ang parting nasaktan. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa akin ngunit hindi ako masisindak sa mga tingin.

“Hindi inutil ang mga myembro ko! sadiyang mga walang puso lang ang…”

Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita dahil dalawang malakas na suntok ang pinatikim ko sa pagmumukha niya. Kaagad itong natumba ulit at narinig ko pa yung ungol nito dahil sa sobrang sakit. Ang daming satsat eh! Napapagod na ako at nagugutom pero heto parin ako sa harap ng BAC at nagsasayang ng oras sa isang walang kwentang tao.

Tatalikoran ko na sana siya ng makita kong pinilit nitong makatayo kahit pansin kong medjo hilo parin ito. Ang tigas ng gago.

“Yaaahh para sa mga myembro ko 'to!” sigaw nito at sumugod upang sumuntok sa akin pero nakaiwas ako at kaagad kong hinawakan ito sa may pulsohan at iniikot iyon sa likod. “Aaarrg!” ungol ni Lacio dahil sa sobrang sakit dahil sa ginawa ko.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon