Chapter 34

121 4 3
                                    

I dedicate this chapter to my new follower. Yipeee!! Thank you sa pag-follow. :) 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[EDITED] 

“BALIK tayo sa school, I need to get my car.” utos ko kay kamatis ng paalis na kami ng mall. Pagabi na ng lumabas kami ng mall. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko ay naging okay naman ang buong oras na kasama ko itong makulit, maingay, at isip batang kamatis na ito. Kahit papano ay nawala sa isipan ko yung tarantadong manyak na iyon. Dahil sa pag-iisip ko sa lalaking iyon ay hindi ko nabigyan atensiyon ang tinatalakay ni Mr. Claro, nagka-zero tuloy. Bawas angas 'yon.Tsk! Pinilig ko ang aking ulo upang alisin iyon sa aking isipan. At biglang pumasok sa isipan ko yung itsura ni kamatis kanina ng makita niyang kinain ko yung fudge bar na binigay ko sa kanya noon. Nakakapagtatakang halos dalawang linggo na ang nakakaraan noong ibinigay ko iyon sa kanya pero naroon parin ito kaya naisip kong ayaw naman yata nitong kainin iyon at dahil gutom na din naman ako ay kinain ko na, saka masamang nagsasayang ng pagkain no!

Napatingin ako sa labas ng bintana at bahagyang tumagilid saka hindi ko na napigilang mapangiti.

Anak ng…Kailan pa ako natutong ngumiti ha? Napailing ako sa aking naisip. Hindi ako palangiting tao, mas gusto ko ay iyong aking normal na ekspresyon na blangko lang. I don’t smile but now? I just did…

 its because of this stupid but cute kamatis.

“Ihahatid na lang kita sa inyo.” sabi nito.

Doon ako napatingin sa kanya pero hindi ako kaagad nakapagsalita ng matuon ang atensiyon ko sa naka-side view nitong mukha habang nakatuon naman ang mga mata nito sa daan. Hindi ko nabigyan ng oras na suriin ang mukha nitong kamatis noon, dahil wala naman akong pakialam talaga pero ewan ko ba sa aking sarili dahil ngayon, sinusuri ko na ang bawat anggulo ng mukha nito. At hinding-hindi na bago ang katotohanang gwapo nga siya. He is freaking handsome for pete’s sake. Minsan lang ako pumuri sa mga kalalakihan kaya ma-swerte ang lalaking ito at napuri siya ng isang great Pain Sleign.

Kahit naka-side view ito ay makikita mo parin na maganda ang hugis ng mukha nito. Matangos ang ilong at ang expressive na mga mata nito. Those eyes are full of emotions. Kaya hindi nakakapagtataka na madaling mabasa ito dahil sapat na ang mga mata nito upang malaman mo kong anong nararamdaman niya. Siya ang kauna-unahang lalaking nakilala ko na may ganitong mga mata, na hindi ka magsasawang titigan iyon dahil marami kang madidiskubre na mga emosyon sa magagandang mata nito. Ibang-iba ang lalaking ito sa mga lalaking kakilala ko, nagkibit balikat ako dahil lahat ng lalaking sinasabi ko ay kapareho ko.

 They teach us to be emotionless and expressionless. Like a robot, because those 2 things is just a weakness for us.

Gusto kong mainggit sa buhay nitong kamatis dahil ma-swerte siya. Maganda ang buhay nito, masaya, at wala ng hihilingin pa samantalang ang buhay ko na magulo pa sa nagkanda buhol-buhol na buhok. Naiingit ako sa mga taong may normal na buhay. Tsk. Kaagad kong iwinaksi sa aking isipan ang bagay na iyon dahil masisira lang ulit ang mood ko kapag inalala ang buhay na gusto ko ng kalimutan at huwag ng balikan pa.

Muling bumalik ang atensiyon ko sa mukha ni kamatis at hindi ko intensyong mapunta ang mga mata ko sa labi nito. In his ruddy and kissable lips that can loose sanity of every girl in just one smile coming from this lips. Napalunok ako ng maramdaman ulit ang kakaibang damdaming iyon.

This odd feeling again.

“Nahumaling ka naman masyado sa mukha ko.”

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon