Chapter 12

90 2 0
                                    

 ~PAIN~

 

“You kill her!”

“How could you do that to her!”

“She trusted you!”

“Killer!”

 

NAPABALIKWAS ako ng bangon sa aking napakasamang panaginip! Nasapo ko ang aking noo at doon ko lang nalamang pawis na pawis ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, hanggang ngayon ginuggulo parin ako ng masamang panaginip na iyon. Lumabas na ako ng kwarto ko sabay kuha ng pakete ng sigarilyo at lighter. Kumuha ako ng isang stick at tinapon sa may lamesa ang pakete. Binuksan ko ang sliding door papuntang maliit na veranda.

Sinindihan ko yung aking sigarilyo, tanghaling tapat na at ngayon palang ako nagising. Ganito ako tuwing weekends, mas matakaw ako sa tulog kapag walang klase at dahil mamayang gabi pa naman ang trabaho ko kaya wala akong aalalahanin. Dinala ko sa aking bibig ang sigarilyo at humithit.

Pero natigilan ako sa paghithit-buga ng aking sigarilyo ng may makita akong kamatis…este lalake sa may baba at nakatanaw din ito sa akin!

Langya! pati ba naman dito?’

Nilalagay talaga nito ang buhay sa isang gulong hindi niya alam kong gaano kasama. Tsk! Tinapon ko sa paso ng halaman ang sigarilyo ko. Bumaba ako at paglabas ko ng gusali kaagad ko siyang nilapitan.

“Ganun mo ba ako ka-miss para dayuhin mo pa ako dito?” nakangising tanong ko.

“Tss..na miss ko lang yung mala-panda mong katawan!” asik ni Forest habang nakanguso pa.

Gusto kong matawa sa sinabi nito, mala-panda kong katawan? Oo, mataba ako pero hindi naman ganun kalaki tulad ng panda. Masyado itong exaggerated. Hindi na rin ako magtataka kong bakit alam nito kong saan ako tumutuloy. Masyado itong interesado sa akin kaya malamang ang mga ganitong impormasyon ay alam na niya. Gusto kong mapailing.

Hanep 'tong kamatis na 'to!

“Di inamin mo ring na miss mo ako tss, nagsabi ka sana, para ako na mismo ang pumunta sa inyo.” sarkastik na sabi ko.

Bumuga ito ng hininga na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. “Ang kapal mo Baki!” sabay irap nito sa akin.

“Tss, tara, delikadong mag-usap sa labas.” sabi ko sabay hila ng braso niya at pumasok sa loob. Hindi ko alam kong bakit ko siya hinila papasok ng apartment pero masyadong matigas ang ulo ng kamatis na 'to at kong hahayaan kong manatili pa kami sa labas, masyadong delikado. Siguradong maraming mga mata ang nakamasid sa amin.

Pagpasok namin sa loob ng apartment ko ay kaagad kong ni-lock ang pinto. Kaugalian ko kasing mag-lock ng pinto para sa kaligtasan na din. Lalo na’t alam mong kahit anong oras pweding sumugod ang mga unwanted visitor’s mo.

“Oh bakit mo ni-lock?” takang-takang tanong nito ng matapos kong i-lock ang pinto. Mukhang may iniisip itong hindi maganda, malala din ang imagination ng lokong ito. Hindi ko nalang pinansin ang tanong nito.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon