~FOREST~
“OHAYOU-gozaimasu!” malakas na bati ko sa aking pamilya ng bumaba ako upang mag-agahan. Ngayon lang din ako na-excite sa Monday! Hehehe at ang ganda ng gising ko kaya napapa-japanese tuloy ako. Don’t worry iyan lang naman ang alam kong Japanese language na naalala kong tinuro ni Taki noon.
d--,b
“Ang ganda ng gising ni bunso ah.” malambing na sabi ni Mommy habang nag-aayos ng mga pinggan sa mesa. She is my beautiful lovely mother, Yngrid Everton. Nakaugalian na ni Mommy na tumulong sa pag-aayos ng pagkain tuwing breakfast dahil ang sabi niya, tuwing umaga lang siya may oras na asikasuhin kami dahil buong araw na kasi ito sa opisina at tuwing uuwi naman ay pagod na pagod. Kahit pagsabihan mo si Mom na hayaan na sila Manang Sonia ang mag-prepared ng breakfast, hindi yan makikinig dahil matigas din ang ulo nito, sa kaniya ako nag-mana hehehe. Hindi lang naman si Dad ang busy kundi si Mommy din, siya kasi ang C.E.O ng Everton Land Corporation, na siyang kompanya ng aming pamilya.
“Anong klaseng lengwahe naman 'yon Vansot?” nakataas ang isang kilay na sabi ni Ate Lily. Napanguso pa ako dahil sa tinawag niya, ugali niya talagang pinapangit ang gwapo kong pangalan! Badtrip. May pagkamataray talaga ang babaing yan, tumatanda eh hahaha joke! Graduate ito sa kursong business administration at ngayon, nag-tatrabaho na siya sa kompanya namin bilang Supervisor. Apat na taon lang naman ang agwat namin.
“Japanese 'yon at ibig sabihin 'non ay good morning in polite way.” asik ko habang nakanguso.
“Malapit na pala ang birthday mo bunso.” nakangiti namang sabi ni Dad at binaba ang newspaper na binabasa. Seryuso si Dad tuwing nasa school pero huwag kayo dahil sa kaniya ako nag-mana ng kalokohan, maloko din tong si Dad hahaha. Napag-usapan namin noong sabado ang welcome party pero ang weird lang dahil hindi na nagtanong si Dad kong anong nangyari sa amin ni Yein. Kinatuwa ko naman iyon. Si Dad kasi ang no. 1 supporter ng babaing iyon, botong-boto eh. Hindi ko alam kong bakit o di kaya nakalimutan din niya, tumatanda na eh…pero gwapo pa din!
“Dad 1 and half months pa bago mag-August!” si Ate.
“Malapit na para sa akin yun Lily at sa totoo nga may plano na kami ng Mommy 'nyo sa birthday ng aking unico-hijo.” nakangiting sabi ni Dad na tila ba proud na proud ito sa akin.
“We already planned your birthday because your dad and I were so excited! Ako na mismo ang mag-b-bake ng cake mo bunso.” mom said with full of excitement in her voice. Ganito talaga sila Dad at Mom, parang mga bata kapag magkakasama kaming pamilya. Bawal ang strict pagdating sa amin, itong si Ate Lily lang ang may pagka-KJ. Laging kontrabida sa sweetness!
“Mag b-bente-anyos kana Vansot kaya GROW UP!” asik ulit ni Ate habang kumukuha na ng pagkain.
“Dad, Mom did you named me Vansot?” parang batang tanong ko habang nakatingin ng matalim kay Ate Lily na bine-latan lang ako. Umiling naman sina Dad at Mom. Siya ang alaskador kong ate habang ako naman ang pikong kapatid. Kaasar, pwede silang magsama ni Baki!
Bigla na lang ako napangiti ng maalala si Baki. Mukhang weird parin ako hanggang ngayon kasi pakiramdam ko nararamdaman ko parin ang weirdness ko last Friday.
“Tumigil na kayong dalawa at baka magka-pikonan pa kayo.” nakangiting saway naman ni Mom.
“Oo nga at baka mahuli na tayo bunso.” si Dad naman na tumingin pa sa suot nitong wrist watch. Kahit pikon ako hindi naman kami nagkasakitan nitong alaskador kong ate dahil hindi naman ako nananakit ng babae. Kaya dinadaan ko na lang sa mga salita kapag napipikon ako ng husto. At dahil babae si Ate Lily siya itong laging nananakit, pero hindi naman umabot sa puntong may pasa na ah. Pingot, pitik sa ilong at sapak lang naman ang nakukuha ko sa kaniya, sadista eh. Pero huwag kayong mag-alala mga mild lang naman iyon. Kahit hindi sweet itong si Ate Lily not like Dad, Mom and me. I know she loves me as her brother. Noong mga bata pa kami ay si Ate yung tagapagtanggol ko sa mga batang loko-loko kaya masasabi kong lab din ako nitong ate ko. Hindi lang nagpapahalata.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...