Chapter 24 - Welcome Party

82 1 0
                                    

~FOREST~

MALAPIT na pero may bigla nalang sumingit sa harapan ko at medjo malakas iyon kaya nabitiwan ko siya at pagmulat ko ng mga mata ay hindi na siya ang nasa harapan ko kundi si Yein. I tried to find Baki but I failed, hindi ko na siya makita, ang bilis nitong mawala.

“Yein?!” bulalas ko na lang ng muli ko siyang tignan ay doon ko lang napansin na liham ng luha ang mga mata nito at naririnig ko pa ang mahinang hikbi nito.

“Forest!” naalarma ako ng mabakas sa tinig nito ang takot. Anong nangyari?

“What happened to you? bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ko habang inaalalayan itong makalabas ng dance floor. Umiiyak parin ito hanggang makaabot kami sa pwesto namin. Pinaghila ko ito ng upuan at pinaupo doon. Na upo ako sa tabi nito at nabigla na lang ako ng bigla itong yumakap sa akin ng mahigpit. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alalala dito. “Tell me what happened Yein, pinag-aalala mo na ako.”

I felt her sobs. “Nakalimutan mo ba Forest na ako ang partner mo ngayong gabi? Hinintay kita sa bahay pero hindi ka dumating.” umiiyak parin ito habang sinasabi iyon at na-guilty naman ako bigla dahil ito pala yung nakalimutan ko kanina. Binilin pala sa akin ni Dad noong isang araw na sunduin ko daw si Yein dahil siya daw ang magiging partner ko pero nakalimutan ko talaga dahil nag-focus ang isip ko sa unang plano ko na mag-sosolo ako ngayong gabi. Hindi naman ako ulit pinaalalahanan ni Dad kanina kaya hindi ko talaga na alala.

 

“I’m sorry Yein, nawala sa isipan ko.” guilty na sabi ko.

Tumango ito. “I understand you Forest kaya after waiting for you but you never showed up that’s why I decided na mag-pahatid na lang ako papunta rito pero inabot kami ng traffic at ng makalabas naman kami sa mahabang traffic na iyon at malapit na kami ng bigla namang nasiraan ang kotse kaya napag-pasyahan kong maglakad na lang tutal malapit na lang pero habang naglalakad ako ay may dumating na dalawang lalake at tinutukan ako ng kutsilyo at sapilitan nilang kinuha ang dalang purse ko na may lamang pera at cellphone, takot na takot ako, I thought after taking my purse they will kill me or worst they will rape me but thanks god it didn’t happen. Pagkatapos nilang kunin ang purse ko ay nagmadaling nagtatakbo ang dalawang magnanakaw. Nanginginig ako sa takot ng mga oras na iyon, it’s my first time to experienced that kind of situation. It’s scared the hell of me.Kaya nagmadali akong tumakbo papunta rito, gulat pa nga iyong nasa registration area dahil hingal na hingal ako…” mahabang paliwanag ni Yein at mas lalo akong na-guilty dahil nakalimutan ko siyang isabay sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kong sakaling may nangyaring masama dito, not because I still felt something for her but as a friend. Lalo na’t obligado ko parin siya dahil sa request ni Dad.

 

“I’m really sorry Yein.”

 

“Kaya kaagad kitang nilapitan dahil ikaw lang ang kilala kong makakatulong sa akin upang maalis itong takot sa dibdib ko, sorry dahil mukhang wrong timing ako pero kailangan ko lang talaga ng kaibigang makakapitan sa mga oras na ito Forest.”

Muli kong naalala si Baki. Nasaan na kaya ang babaing 'yon? Ngayon ko lang din napansin na iba na pala ang pinapatugtog ng DJ na kanta pero patuloy parin sa pag-sayaw ang mga nasa-dance floor.  “Okay lang iyon Yein.” sabi ko at marahang hinaplos ang likod nito dahil patuloy parin ito sa pag-iyak.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon