Chapter 41

72 3 0
                                    

~FOREST~

KINAUMAGAHAN mabilis akong bumangon sa kama sabay kuha ng aking cellphone sa bedside table. Napangiti ako ng makitang ang daming messages at missed calls ang nasa screen. Tiningnan ko yung mga missed calls at sila Taki at Pyro iyon. Napangiti ako pero hindi iyon ang dahilan kong bakit ako excited ngayong tignan ang cellphone ko.

Pumunta naman ako sa mga messages, karamihan ay mga uknown number na siguradong mga estudyante sa EHS. I scroll down to find her name. Ang text niya ang gustong-gusto kong makita ngayon pero nakita ko na yung kila Pyro at Taki na text message ngunit wala parin ang pangalan niya. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi at na iinis na ibinato sa kama ang cellphone.

Hindi niya ba alam kong anong araw ngayon?! Napanguso ako sa aking naisip. Walang ganang pumasok ako sa banyo at naligo. Pakiramdam ko napaka-bagal ang takbo ng oras ngayon. Matapos kong makapag-bihis, laglag ang balikat na bumaba ako at pumuntang dinning area.

"Happy birthday bunso!"

Walang ganang napatingin ako kila Daddy at Mommy na tuwang-tuwa na sumalubong sa akin na may dala-dala pang banner.  Tama, kaarawan ko ngayon at hindi ko man lang maramdamang kaarawan ko. Dati rati naman ay umaga palang masaya at excited na ako pero ngayong nakilala ko si Baki at na-in love ay hindi ko na maramdaman ang dating saya...dahil wala akong natanggap na text kay Baki na nagsasabing 'happy birthday kamatis'. Tsk. Maski shortcut na lang na 'HBD'.  Wala!

Badtrip!

Nasa upuan naman si Ate Lily, nakakunot na nakatingin din sa akin. Ang kaninang nakangiting mga mukha nila Dad at Mommy ay napalitan ng pagtataka. Tinatamad na umupo ako at tiningnan ang mga pagkain.

"Ang haba ng nguso mo Vansot." nakangising sabi ni Ate.

Tiningnan ko lang siya. Wala akong ganang makipag-asaran sa kanya kaya muling ibinalik ko sa pagkain ang paningin. Kumuha ako ng pagkain upang ilagay sa aking pinggan, konti lang iyon dahil pakiramdam ko wala akong gana ngayon.

"Kaarawan mo ngayon bunso, dapat masaya ka." nag-aalalang sabi ni Mommy.

"Oo nga, hindi iyang mukhang pinagbagsakan ka ng langit at lupa." iiling-iling naman si Dad.

"Hindi lang po ako nakatulog ng maayos." pagdadahilan ko bago tumayo. Mas lalo naman silang nagtaka sa akin. "Tapos na po akong kumain." matamlay na sabi ko at tumalikod na.

"Hindi ka nga nakakain maski isang subo ah?" sabi ni Mommy.

"Kailangan ko po kasing pumasok ng maaga, may gagawin pa po kami." pagsisinungaling ko at nag-paalam na sa kanila saka lumabas ng bahay. Kinuha ko yung cellphone ko at muling tiningnan kong may bagong messages at napangiti ako ng makitang meron nga. Kaagad ko iyong binuksan pero na disappoint lang ako dahil wala doon ang pangalang hinahanap ko. Pumasok na ako sa kotse ko.

Humanda ka Baki pag-dating ko. Banta ko sa aking isipan pero napailing na lang din ako dahil wala naman akong karapatang pagalitan siya o mag-reklamo dahil lang hindi niya ako binati ngayong umaga dahil magkaibigan lang naman kami. Bumuntong hininga na lang ako. Hanggang ngayon wala parin akong planong sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko dahil natatakot parin akong baka pag-sinabi ko iyon ay bigla na lang niya akong layuan o magalit siya. I don't want to risk our friendship, na pinaghirapan kong maabot. Masaya naman ako dahil habang tumatagal ay nagiging maayos naman yung pagiging magkaibigan namin ni Baki pero kong inaakala ninyong nag-bago na siya. Huwag na kayong umasa dahil si Baki parin siya, ang weird na babaing minsan lang magkaroon ng facial expression. Laging sweet tuwing nasa harapan namin si Yein. Hindi ko parin lubos na maintindihan ang sinabi nito noong nasa baguio kami.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon