Chapter 42 - Happy Birthday Forest!

76 3 0
                                    

~FOREST~

PINIPILIT kong ngumiti sa mga bisitang bumabati sa akin ngayong gabi habang nakatayo sa may porch ng aming bahay. Tulad ng inaasahan ay ang daming mga bisita ang dumalo, mga kaklase ko, schoolmate, relatives, mga business partners and friends ng parent ko at kong sino-sino pang kakilala namin. Pa ulit-ulit na 'Happy Birthday' ang tanging sinasabi nila, gusto kong maging 'Happy' tulad ng sinasabi nila pero hindi ko magawa iyon dahil wala siya.

Walang Baki!

Badtrip!

Hindi ko siya nakita ng buong araw sa school. Kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makausap siya at yayain ng personal. Tinawagan ko siya pero wala namang sumasagot kaya dinaan ko na lang sa text yung imbitasiyon ko sa kanya, pati na din yung address ng bahay namin at umaasa akong nabasa niya iyon at pupunta siya rito pero dalawang oras na ang nakakalipas simula ng ma-send ko ang text na iyon ay wala paring Baki na nakikita ng mga mata ko ngayong gabi.

Kahit saglit lang na pumunta siya rito, sapat na iyon...Umaasang sabi ko sa aking isipan. Kaya nga nandito talaga ako sa may pinto para kapag dumating siya ay kaagad ko siyang makita subalit halos magdadalawang oras na akong nakatayo dito ay wala talaga siya. Kanina pa nga ako tinatawag sa loob para naman ma-entertain ang mga bisita ngunit pinaubaya ko na lang kila Dad at Mommy iyon dahil umaasa akong darating siya.

"Happy birthday Forest."

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. "Thank you...Moriz." nakangiting sabi ko. Saglit kong tinanggal sa aking isipan ang paghihintay kay Baki ng makita ko si Moriz. Kong noon makita ko lang ang pagmumukha niya, halos kumukulo na ang dugo ko. Ngayon, normal ang pag-daloy ng mga dugo ko, walang senyales na may galit na namumuo sa loob ko.

"S-salamat dahil inimbitahan mo parin ako sa kabila—" hindi ko siya pinatapos at kaagad kong nakitang tila kinabahan ito. Siguro iniisip parin nito na may galit parin ako sa kanya kaya nakangiting inakbayan ko siya.

"Past is past pinsan."

Hindi makapaniwalang napatingin ito sa akin. "Hindi kana g-galit?"

Natawa ako. "Galit ako...noon iyon kaya huwag kang mag-alala wala akong planong mag-higanti sa iyo."

"P-pinapatawad mo na ako?"

"Oo naman!" nakangiting sagot ko.

"Bakit ang b-bilis n-naman yata?" tila nag aalinlangan parin ito sa akin.

"Ang akala ko mahirap mag-patawad sa taong nag-kasala sa'yo pero naisip ko, ang Diyos nga nagpapatawad sa mga taong pa ulit-ulit na nagkakasala, ako pa kaya?" nakangiting iiling-iling na sabi ko. "Pumasok kana pinsan, mag-saya ka dahil ang selebrasiyong ito ay para tayo'y magsaya at hindi bumalik sa nakaraan!" tuwang-tuwa na sabi ko. Ang lakas ng loob kong mag-sabing mag-saya. Eh. ako nga itong may kaarawan ay hindi magawang mag-saya. Nakasimangot namang sabi ko sa aking isipan. Muli akong tumingin sa labas ngunit wala parin. Binalik ko na lang kay Moriz ang tingin at nakangiti na din ito.

 "W-what if  I tell you, I still love Yein and I want her back?" kahit may ngiti ay mababakas mo parin ang kaba sa boses nito habang nagsasalita siya.

"Go for it Moriz, if you really love Yein you will pursue her no matter what happen, me and Yein is already in a history, it's already finish kaya hindi mo na kailangan ang permiso ko kong gusto mong ligawan si Yein. I know you're a good person and you will love Yein as much as I loved her before." I said with full of sincerity. Walang halong biro o kaplastikan.

Mas lalong napangiti si Moriz. "Thank you pinsan, napakabuting tao mo para magpatawad sa isang katulad ko na nakagawa ng malaking kasalanan sa iyo."

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon