~PAIN~
NAPASINGHAP ako ng biglang hawakan nito ang braso ko paharap sa kaniya sabay tulak paatras, naramdaman ko na lang na nasandal na ang aking likod sa pinto na gumawa pa ng maliit na kalabog dahil may kalakasan iyong pagtulak niya. At doon ko lang napansing, kulong ako nito gamit ang mga bisig! Ang lapit-lapit namin sa isa’t isa at hindi ko maipaliwanag kong bakit ako nakakaramdam ng kakaibang panganib!
Pero hindi ko iyon pinahalata, bawas kaangasan iyon no! Tiningnan ko parin siya, mata sa mata, nagtagisan pa kami ng tingin. Ngayon ko lang siya nakitang seryusong-seryuso.
“Tinakot mo ako kaya ikaw din ang tatakotin ko ngayon.” anito at pilyong ngumiti. Tinanggal nito sa may pinto ang isang kamay nito at napapitlag ako ng maramdamang nasa kabilang pisnge ko na iyon at hinahaplos nito ang mukha ko!
‘Damn I never felt this before!’
Pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko sa ginagawa niyang paghaplos ng pisnge ko. Shit!Paano niya nagawang iparamdam sa isang Pain ang isang kakaibang kahinaang ito? Leche! ang bilis ng tibok ng puso ko.
“I never kiss my ex before, and I don’t care if my first kiss will be you Baki.” seryusong sabi nito habang nakatingin sa mga labi ko at bumilis ang paghinga ko ng maramdaman ang hinlalaki nitong humahapos sa lower lip ko!
I can kick him in his balls pero ewan ko sa aking sarili kong bakit nawala na lahat ng lakas ko ng mga oras na ito. Tuhod ko nga nanghihina eh, pano ko pa siya masisipa? Tsk! I hate this! Hindi ako ganito kahina na wala man lang maisip kong anong pwede kong gawin upang matigil siya pero hindi ko talaga alam kong bakit ako nagkakaganito ng dahil lang sa isang lalake at ang lalaking iyon ay si KAMATIS!
‘PUCHA!’
“I never dreamed to kiss someone like you Baki, isang lalaking nagbabalat kayo, hindi kagandahan at mataba pa pero lahat iyon ay babaliwalain ko dahil ngayon palang gusto na kitang halikan.” anito at bahagyang yumuko para magkapantay kami at nanlaki ang mga mata ko ng ipikit nito ang mga mata habang unti-unting lumalapit sa akin!
Nag-panic ako! ngayon palang ako nakaramdam ng tila wala akong laban. Isang pagkatalo sa lalaking ito. Napalunok ako bago ipinikit ang mga mata ko ng mariin, hindi ko alam kong bakit ko iyon ginawa pero ang sabi ng isipan ko ay gawin ko iyon. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang katapusan ng labi ko, I never kiss someone before or I never been kiss kaya wala talaga akong idea kong anong pakiramdam na mahalikan.
‘nakakamatay ba 'yon?!’
~FOREST~
‘Bakit nga ba ako narito?’
Napailing na lang ako. Bored na bored ako sa bahay at walang magawa kaya naisipan kong lumabas at hinayaan lang ang sariling mag drive ng mag drive. Naisipan kong pumunta kina Pyro pero naiisip ko palang yung dalawang kambal na kapatid nito ay gusto ko ng kalimutan ang plano kong pumunta doon.
Makukulit ang bunsong kapatid ni Pyro lalo na’t dalawa pa. Hindi naman sa ayaw ko sa mga bata pero over sa kulit ang kambal na 'yon. At kong si Taki naman ang pupuntahan ko, naku malamang nasa Japan ang lokong iyon. Every weekend kasi ay pumupuntang Japan ang hapong iyon upang makasama ang lolo at lola. At hindi ko inaasahang pumasok sa isipan ko ang pangalang ‘Baki’ at sunod na ginawa ko ay papunta na sa apartment building ni Baki. At ng makarating naman ako 'don, tinanong ko naman ang sarili ko kong bakit ako narito ngayon at wala naman akong maibigay na sagot sa sariling tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...