Chapter 8 - Gimmik

105 3 0
                                    

~FOREST~

“YES WALA SI SIR CLARO!”

“UWIAN NA!”

“YES! MAKAKAPANOOD PA AKO NG FATED TO LOVE YOU!”

“SANA LAGING WALA SI SIR CLARO PARA MASAYA!”

“TERROR MASYADO KAYA DAPAT LAGING GANITO”

“HUWAG NA SANANG PUMASOK PA SI SIR!”

Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko, last subject namin si Mr. Claro at dahil nasa seminar ito sa Cebu ay wala na kaming klase at maaga ang uwian kaya ganun na lang ang tuwa ng mga kaklase ko.

“Maaga pa, masyadong boring sa bahay 'pag umuwi na ako.” narinig kong reklamo ni Taki.

“Tsk, sinabi mo pa dre.” dagdag naman ni Pyro na may kinakain na namang cupcake!

“Pahinge naman niyan dre.” nakangusong sabi ni Taki habang nakaturo sa cupcake na hawak ni Pyro at ng aabutin ni Taki yung pagkain ay kaagad ding nilayo ni Pyro kaya mas lalong ngumuso ang lokong hapon.

“Bumili ka oy! favorite ko to eh!” si Pyro.

“Takaw! mabulunan ka sana!” nakangusong singhal ni Taki at parang batang nag t-tantrums pa.

“Hahaha huwag kang mag-mukhang bata jan Taki, nagmumukha kang sinaniban ng asong ulol.” biro ni Pyro.

Kunot noong tiningnan ni Taki si Pyro saka tumingin sa akin na tila sinasabing saklolohan ko daw siya. Napailing na lang ako. “Tumigil na nga kayo, kong pareho kayong na bo-bored sa bahay nyo, di gumimik na lang tayo ngayon.” nakangising yaya ko.

Tila lumiwanag naman ang mukha ng mga loko ng tumingin sa akin.

“SAAN?” sabay nilang tanong.

Nag-isip ako, saan nga ba? hmm…

“Sa bowling archery club na lang!” out of the blue na bulalas ko.

d>_<b saan galing yon?

“That’s cool! Narinig ko na yung club na 'yan sa mga kapatid ko at masaya daw 'don.” sabi ni Taki.

“Teka hindi naman natin alam kong paano makapunta 'don.” si Pyro.

“Ako na ang bahala, minsan nadaanan ko iyon at tanda ko pa naman ang daan papunta doon.” sagot ko, hindi ko sinabi sa kanilang sinundan ko si Baki kaya alam na alam ko kong paano makapunta doon.

“Ano pang hinihintay natin? Tara! Let’s enjoy!” yaya naman ni Pyro na siyang na unang lumabas ng classroom namin kaya kaagad naman kaming sumunod dito at pumunta sa kanya-kanyang sasakyan. Ng nasa loob na ako ng kotse ko at tahimik na ang paligid, muli kong naalala ang nangyari kaninang umaga. Tss.

Subalit kaagad ko ding winaglit iyon dahil plano kong magsaya hindi mag-emote! Pucha! muntikan pa akong naiyak ulit kanina! Damn! Ako ang na unang umalis at naka-sunod lang sa aking likod ang dalawa. Nagkataong traffic pa ng mga oras na iyon kaya umabot ng isang oras bago kami nakaabot sa B.A.C.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon