~FOREST~
KANINA pa ako pabiling-biling sa kama at hindi pa ako makatulog. May mga ngiti parin ako sa mga labi. Knowing Baki is still here, an inch away from me. Napayakap ako ng mahigpit sa aking unan at tumingin sa pader na siyang naghahati sa kwarto ko at sa guest room. Natutulog na kaya siya?
Ilang saglit lang ay may aking naisip na ideya. Kaagad akong bumaba sa kama at maingat na lumabas ng kwarto. Tumingin ako sa buong pasilyo at tahimik na ang buong paligid, siguradong natutulog na rin sila. Tanging ang malamlam na liwanag na nagmumula sa lamp shade na nakasabit sa pader ang nagsisilbing ilaw sa buong pasilyo. Maingat na binuksan ko ang pinto ng guest room at napangiti ako ng makitang mahimbing na natutulog si Baki sa malaking kama na may bulaklaking kumot. Naiwang nakabukas ang dalawang nightstand, okay na iyon upang makita ko ang mukha niya ngunit hindi ako nakuntentong tignan siya sa may pintuan lang.
You sneaking kamatis! saway pa ng aking isipan. Natawa na lang ako sa aking isip-isipan dahil doon.
Tahimik na nakalapit ako sa gilid ng kama kong saan naroon natutulog si Baki. Lumuhod ako sa sahig habang nakatingin sa mukha niya saka napangiti na lang. Mukhang gusto ko ng dito na siya tumira. Kong saan ang lapit-lapit namin sa isa't isa, hindi na ako malulungkot dahil lagi ko na siyang makikita, at madali ko pa siyang mapupuntahan kong gusto ko. Hehe
Ngunit imposible naman iyon dahil paniguro naman hindi papayag si Baki sa gusto ko. Napailing na lang ako at hindi ko na napigilang ang isa kong kamay na damhin ang isang pisnge ni Baki. Syempre maingat ko na ginawa iyon upang hindi siya magising.
I can't believe I'm loving you already Baki, ang bilis mong dumating sa buhay ko, ang bilis mo ding nakapasok sa buhay ko at hindi nakaligtas ang puso ko sa'yo.
Hanggang napatingin ako sa labi niya at automatic na lumakas ang tibok ng puso ko. Napalunok ako. Isang malaking temptasiyon talaga ang labi nito. Ngunit hindi ko naman puweding gawin kong ano man ang gusto ko. Hindi ko kayang mag-advantage sa kanya habang natutulog siya. Maling-mali.
Kaya ang ginawa ko na lang ay marahang hinaplos ng aking hintuturo ang gilid ng labi niya. When the day it comes, I won't hesitate kissing you Baki. Hindi ko mapigilang kiligin sa mismong pinagsasabi ko sa aking isipan. Tumayo na ako at bago ako umalis. Marahang hinalikan ko siya sa noo. Mukhang hindi naman iyon masama diba? sa noo lang naman. Nakangiting lumabas na ako at bumalik sa aking kwarto. Nakahiga na ako sa kama ko ay nasa labi ko parin ang mga ngiting iyon. Pakiramdam ko makakatulog na rin ako.
5: 00 A.M palang ay gising na ako. Hindi iyon ang normal kong gising ko ngunit balewala iyon sa akin lalo na't ipagluluto ko ang babaing mahal ko ng masarap at may kasamang pagmamahal na almusal. Hahaha. Hindi pa gising sila Dad, Mommy at Ate Lily. Normal na gising kasi nila ay 5: 30 o 6 a.m na. Paglabas ko ng aking kwarto, napatingin pa ako sa kwartong ginagamit ni Baki dahil narinig kong bumukas din ang pinto 'non. Nagulat pa ako ng makita si Baki na magulo pa ang buhok.
"Gising kana?" tanong ko. Gusto ko sana siyang isorpresa sa almusal eh.
Tumango ito. "Kailangan ko ng umuwi."
"Ano?" hindi ko napigilang mapalakas ang boses ko. Tumikhim ako. "Huwag na muna, magluluto pa ako eh." nakangiting sabi ko na.
"Bakit naman ikaw pa ang magluluto? hindi ba gawain iyan ng mga kasambahay?" nagtatakang tanong nito.
"Oo nga pero gusto kong magluto ngayon lalo na't nandito ka, nasabi ko naman sa iyo noong ipagluluto kita at hindi sapat iyong soup lang nang lagnatin ka."
"Okay, bilisan mo na lang, kailangan ko pang umuwi."
Nakangiting tumango ako. "Bumalik kana lang muna sa kwarto, matulog ka ulit at gigisingin na lang kita."
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...