~FOREST~
From: Baki of my eye
Come outside.
Kaagad akong napatayo sa kama at nagmamadaling tumakbo palabas ng aking kwarto. Ang lapad-lapad ng ngiti ko habang tumatakbo ako ng mabilis. Dumagundong pa yung yabag ko sa hagdan habang pababa ako kaya nag-pa-panic na lumabas sa kusina sila Mommy at Daddy.
"What happened son? Where are you going?" nagtatakang tanong ni Mommy.
"She came! She's here!" masayang anunsiyo ko sa kanila habang tumatakbo palabas ng bahay. Hindi ko mapigilang mapangiti ng sobra dahil alam kong narito siya. Pumunta siya! Pakiramdam ko nililipad ako sa alapaap ng mga sandaling ito. Halos takbuhin ko na iyong gate para lang makarating agad doon. Dali-dali kong binuksan ang gate at mas lalo akong napangiti ng makita ko ang babaing kanina ko pa hinihintay.
Aakmang magsasalita pa ito ng mabilis ko siyang yinakap ng mahigpit. Hindi ko napigilan ang aking sarili. "I'm glad you came Baki." na iiyak na sabi ko. Hindi ko na napigilan pa ang matinding emosyon sa aking puso. Kahit isang araw palang kaming hindi nagkikita ay na miss ko na siya ng sobra-sobra. Ang saya-saya ko na halos umabot na sa langit, ang sabi ko makita lang siya sapat na...upang maging masaya ako ngayong gabi sa kaarawan ko.
"Ack! H-hindi ako m-makahinga!"
Mabilis ko siyang binitiwan dahil sa aking narinig. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napansin na halos ipitin ko na siya sa mga bisig ko. Tsk may balak ka bang patayin ang babaing mahal mo? sabi pa ng aking isipan. Syempre wala akong balak na gawin iyon...hindi pa ako nababaliw para gawin iyon sa babaing nasa harapan ko at ang babaing tinitibok ng puso ko.
"Hindi na lang sana ako pumunta rito kong may balak ka namang i-suffocate ako." nakabusangot na reklamo nito.
"You made my birthday happy Baki, I'm just glad you came tonight."
Tumango ito. "Nakahabol pa naman ako sa kaarawan mo diba?" Mabilis akong tumango. "Eh.di, happy birthday!" napangiti pa ako dahil ito ang pinaka-kakaibang bumati sa ibang paraan. Maangas ang dating eh.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko agad, gusto kong malaman kong bakit ngayon lang siya dumating.
"Hinanap ko pa kasi ang address ninyo lalo na't hindi pa ako sanay dito sa Pasay at ng mahanap ko na ang bahay ninyo, naghintay pa ako ng ilang oras sa banda 'don." sabi nito at may tinuro pang lugar. Hindi ko inaasahan na magpapaliwanag talaga ito sa akin.
"Bakit naman doon ka nag-hintay? hindi ka na lang pumasok sa loob?"
Natigilan ito, saglit na nag-isip at napakamot sa ulo. Gusto kong pisilin ang mga pisnge niya dahil ang cute-cute niya habang ginagawa iyon pero pinigilan ko ang aking sarili.
"N-nahiya ako eh saka tignan mo naman ang suot ko sa mga sosyal mong bisita."
Napatingin ako sa simpleng suot niya at napailing na lang.
"Kailan kapa nagkaroon ng pakialam sa itsura mo?" sarkastik na tanong ko. Sa pagkakaalam ko ay wala siyang pakialam kong ano mang itsura niya o sa damit na suot.
"Tsk. Wala ka ng pakialam doon, basta nag-hintay lang ako hanggang magsi-alisan lahat ng mga bisita mo bago ako pumunta dito sa harapan ng gate ninyo." patuloy nito sa pagpapaliwanag.
"Tara, pumasok tayo sa loob." nakangiting yaya ko.
"Huwag na, uuwi na din ako, binati lang kita ng personal lalo na't may nagsabing mas mabuting bumati ka ng personal kaysa idaan sa text, tawag o sa facebook dahil kong personal, ma a-appreciate at makikita ang sincerity mo ng taong babatiin mo." kaswal na sabi nito na nakapamulsahan na.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...