Dedicated sa follower kong ngayon ko lang napansin. @Babaengconfuse. Hehe Pasensiya na, bulang ang awtor nito. d^^,b
————————————————————————————————————————————————-
~PAIN~
TAHIMIK ang buong paligid ng dumating kami sa mansyon nila kamatis. Gayun paman, kahit tahimik, alam mong napupuno ng masayang ala-ala ang bahay na ito base na din sa mga taong nakatira dito. Tumuloy kami sa living room at nag-paalam si kamatis para kumuha ng meryenda, bakas sa mukha nito ang sobrang saya hindi katulad noong nakaraang linggo.
Iginala ko ang paningin sa buong paligid ng living room habang naghihintay sa pagbalik ni kamatis. Maganda ang pagkaka-disenyo nito, sa labas man o sa loob. Maaliwalas ang din ang buong bahay, kong sa ingles Lovely place ang puwde mong ipang-describe sa loob ng bahay dahil na din sa ginamit na wallpaper at color theme na puti at sky blue. Moderno at dikalidad ang mga kagamitan. Natuon ang paningin ko sa malaking family picture na nakasabit sa dingding, nasa gitna ito ng tanging dalawang malaking bintanang narito sa living room.
Kahit kailan ay hindi kami nagkaroon ng ganitong larawan. Mapait akong napangiti sa aking naisip. Tiningnan ko ng maigi ang larawan na kapuna-punang nagmamahalan ang mga taong naroon. Napailing na lang ako at iniwas ang tingin. Kailan pa ako naging inggetera? Tsk. Until my eyesight reached the white shiny grand piano at the corner beside the window. Perpect spot ang pagkakalagay ng piano sa may gilid ng bintana na sinisinagan pa ng sikat ng araw. Ang gandang scenery. Lumapit ako sa kinalalagyan ng piano.
Marahang hinawakan ko yung keyboard. Matagal-tagal na bago ako nakahawak ulit ng piano. Saktong pag-pindot ko ng isang key ay dumating naman si kamatis na may dala-dalang tray na may lamang pagkain at juice.
"Do you play?" he asked pointing his chin at the piano. Nilapag nito ang dalang tray sa center table saka lumapit sa akin.
"Yes."
"Well?"
Tumango ako.
"Of course you do. Is there anything you can't do well?" bulalas nito na may pagka-mangha sa boses. Bilib na bilid ang lokong 'to sa akin eh. Tsk...tsk...tsk.
"Yes... Err. Remember I don't know how to cook."
Mahinang natawa na lang si kamatis sa aking sinabi. "My dad brought this piano because of my mother's request." kapagkuwang kwento ni kamatis habang nakatingin sa keyboard ng piano.
"Why?" kaswal na tanong ko habang hindi tinatanggal ang tingin sa naka-side view na mukha ni kamatis. Mukhang nadagdagan pa lalo ang ka-gwapuhan ng loko ah. Gusto kong matawa sa aking naisip.
"Gustong-gusto kasi ni Mommy marinig si Daddy na nag-p-play ng music gamit nitong piano. Ang sabi niya, mas lalo niyang minamahal si Daddy tuwing naririnig niyang tumutogtog ito ng kantang alam niyang para lang sa kanya."
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...