~FOREST~
"BAKI." malumanay na tawag ko sa kanya. Tila naging slow motion pa sa akin yung panglingon niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito na siyang pinakamatamis na ngiting nakita ko sa kanya. Kaagad kong hinubad ang suot na coat at pinatong sa mga balikat ni Baki. "Gusto mo bang magkapolmonya? Ang lamig dito tapos wala ka man lang dalang jacket." may pag-aalalang sermon ko sa kanya ng hinarap ko siya.
Sa kabila ng panenermon ko ay nakangiti parin ito habang nakatingin sa akin. Doon na ako nagtaka. "Is their something wrong Baki?"
Nakangiting umiling ito. "Nothing. I'm just glad you're here kamatis."
I grinned playfully. "Pinapakilig mo naman ako Baki."
"Ayaw mo?"
Mabilis na umiling ako. "Syempre gusto, lalo na't ikaw 'tong nagpapakilig." may nakakalokong ngiting sabi ko sabay kindat sa kanya.
Napailing na lang ito bago ibinalik ang tingin sa New York City lights. "How's the party?"
"Fine but not really." kibit balikat na sagot ko.
Nagtatakang lumingon ito sa akin. "Bakit naman?"
"Wala ka eh."
"Oo nga pala no? Hindi pala kompleto ang araw mo kapag wala ako." anito na may nakakalokong ngisi sa mga labi.
"Confidence ah..." I grinned. "Pero ganun talaga yata kong mahal na mahal mo ang isang tao, hindi buo ang araw mo kong wala siya. Walang kwenta ang magarbong party kong wala ka sa tabi ko Baki." sa sinserong tining na saad ko habanang nakatingin sa mga mata niya.
Nakangiting iiling-iling na lang si Baki. "Nakapunta kana ba dito kamatis?" kapagkuwan tanong nito.
Umiling ako. "Sa tuwing pumupunta kami rito ay sa mga beach o di kaya ay mga resto lang yung napupuntahan namin."
"My first visit here in New York was 10 years ago, that was the time I saw this building and it really took my interest. I dreamed to come up here but my father didn't give me a chance to experience this and I'm glad that now, my simple dream back then came true with a special bonus." may ngiti sa mga labing bumaling ito sa gawi ko.
"Ano namang special bonus 'yon?" walang ideyang tanong ko.
Makahulogang ngiti lang ang tinugon sa akin ni Baki bago muling ibinalik ang tingin sa New York city lights. "Tingnan mo ang mga makukulay na liwanag kamatis na animo'y mga bituin. Ang lapit lapit na mula dito ngunit imposible paring maabot tulad ng mga bituin sa langit. Gusto mong maabot pero hindi mo magawa dahil may masamang mangyayari sa'yo kapag ipinilit mo ang gusto mo."
"May problema ba Baki?" nag-aalalang tanong ko habang nakatingin sa naka side view na mukha ni Baki. Tila napakalalim ng iniisip nito, pati yung mga sinasabi nito ay malalim na parang may pinaghuhugotan. Tulad noong una kaming magkakilala, ang lalalim ng mga sinasabi niya, mabuti na lang at nagbago ito habang tumatagal. Alam kong hindi lang ito tungkol sa mga bituin.
Umiling lang naman ito. "Meron akong gustong abotin Kamatis ngunit hindi ko magawa dahil ayaw ko siyang masangkot sa buhay kong miserable at mga posibilidad na puweding mangyari sa buhay niya kapag inabot ko siya, kapag pinapasok ko siya sa buhay na 'tong matagal ko ng gustong takasan. Ayaw kong pati siya ay maging miserable din."
"Puwede namang iwasan 'yung mga posibilidad na puweding mangyari sa taong iyon diba? at paano kong handa naman siyang harapin ang mga iyon basta ba makasama lang niya ang taong mahal niya. Kapag nagmamahal kasi tayo, we'll risk everything Baki for the person we truly love." hindi ko alam kong sinong tinutukoy ni Baki pero umaasa akong, Ako ang taong iyon na gusto niyang abotin.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...