Chapter 64 - w/ Video Reading (Must Watch!)

64 3 0
                                    

~PAIN~

"Trick 'r Treat!"

"Wohahahaha!"

"Booooooh!"

Napailing na lang ako habang naririnig ko yung mga ingay na nagmumula sa iba't ibang mga boot na tinayo ng mga estudyante ngayong Halloween Festival dito sa EHS. 11:30 pm na ako dumating sa campus dahil tinapos ko pa yung trabaho ko sa BAC lalo na't ang dami ko ng absent sa trabaho ko kaya pagkatapos 'non ay tumuloy na ako dito sa EHS, 10-12 pm yung event na ito bago tuloyang maging November 1. Lahat ng estudyante ay abalang-abala sa kani-kanilang pakulo ngayong gabi, habang ang iba naman ay abala sa pag-aayos ng kanilang custome na naaayon sa tema. Habang ako ay simpleng damit at pantalon lang, hindi naman required sa amin mag-suot ng custome kaya hindi na ako nag-abala pa.

Wala naman talaga akong planong dumalo sa pangbatang event na ito pero dahil sa pangungulit ni kamatis ay napilitan akong pumunta pero ang loko, hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita. Hindi niya ako sinundo sa apartment tulad ng lagi niyang ginagawa kaya mag-isa akong pumunta rito. Ang akala ko ay aabangan niya ako dito pero wala paring kamatis akong nakikita.

Pinag-t-trip-an ba ako ng lokong kamatis na iyon? Muli akong napailing at pinagpatuloy ang paglalakad ko kahit hindi ko naman alam kong saan ba ako pupunta. Ilang minuto pa yung nakalipas ay wala paring kamatis kaya napag-desisyunan kong uuwi na lang pero may lalaking lumapit sa akin at inabot iyong dala niyang jack-o lantern na sa likod 'non ay may nakasulat.

"Use this to be your light as you cross the path to my heart."

Nakakunot noong tiningnan ko ang lalaking nag-abot sa akin ng bagay na ito. "Ano 'to?"

Bagkus na sagutin ang tanong ko ay meron itong tinuro, kaya sinundan ko yung daliri nitong itinuturo ang rooftop ng school building bago tuloyang umalis. Nagugulohan parin ako gayunpaman ay naglakad na ako papunta 'don.

Walang nakasinding ilaw sa buong gusali ng school building dahil na rin sa kagustohan ng mga estudyanteng hindi iyon paandarin para makadagdag sa tema ng Halloween. Ibang klase ang trip ng mga kabataan ngayon. Tsk...Tsk...tsk.

Tamang-tama lang yung dala-dala kong lantern upang makita ko yung dinaraanan ko. Pag-abot ko naman sa pinakamismong pinto ng rooftop ay napaisip pa ako bago iyon buksan. Masyadong tahimik sa labas, walang senyaales na merong tao 'don.

Pinagloloko yata ako ng lalaking iyon. Buwisit! Tatalikod na sana ako ng may marinig akong mahinang ingay sa labas. Imbes na umalis ay hinawakan ko yung seradura ng pinto at pinihit pabukas.

Sakto namang pagbukas ng pinto ay inihip ng malakas na hangin yung kandilang nasa loob ng jack-o lantern kaya ang resulta ay wala akong na aanigan maski isa dahil napaka-dilim. Walang buwan sa gabing ito kaya walang konting ilaw!

Badtrip!

Aakmang babalik na ako sa loob ng sunod-sunod na nagbukas ang ilaw na nagmumula sa mga jack-o lantern na nakahilera sa sahig na tila naglikha ng daanan. Hind katulad sa jack-o lantern na dala ko na tanging kandila lang yung ilaw ang naroon, gamit ang kuryente ay napapailaw nito ang bombilyang nasa loob 'non.

"Hi."

Naalis ang atensyon ko sa mga jack-o lantern at napatingin sa lalaking nakatayo sa dulo ng mga iyon. Kamatis! He's wearing a white long sleeve polo, itim na pantalon at meron pa itong itim na kapa. Nakangiting kumaway ito sa akin. Ilang saglit lang ay napansin ko yung bagay sa likoran nito.

"Anong gagawin mo sa isang helicopter?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang palapit sa gawi niya.

"Na una mo pang punahin ang helicopter kaysa sa akin." may himig pagtatampong saad nito.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon