~PAIN~
KAHIT pagod galing sa trabaho ay nag-luto parin ako para sa hapunan ko. Hotdog lang naman kaya madali lang lutuin. Tinigil ko muna yung pag-re-review ko para makapasok pa ng BAC dahil kailangan kong bumawi kay Debora sa ilang gabing hindi ko pagpasok. Nagpaliwanag naman ako kong bakit hindi ako nakapasok at na intindihan naman nito. Pagkatapos maluto ng hotdog ay kumain na ako.
Pabalik na ako sa kwarto ko para sana ipagpatuloy ulit yung pag-re-review ko ng may kumatok naman sa pinto ko. Ganun na lang yung pagkagulat ko ng mapagbuksan ko ang isang golden retriever na aso sa harapan ko. Buhat-buhat ni...
"Good evening Baki!" nakangiting bati nito.
"Diba dapat nasa bahay ka at nag re-review? Why you're here and what's that?" I asked pointing my chin to the dog.
"Meet your new housmate! Maki!"
"What?"
"Puwede bang papasukin mo muna kami?"
"Tsk." umalis ako sa may pintuan para makadaan siya. "Anong kalokohan 'to kamatis? Anong housmate?" tanong ko sa kanya ng ma-isara na yung pinto. Kampanteng umupo ito sa mahabang sofa habang kalong-kalong ang aso.
"Naisip ko kasing kailangan mo ng kasama dito sa bahay, gusto ko nga ako sana para hindi na kita ma miss pero hindi naman puwede dahil ayaw kong pag-isipan ka ng mga kapitbahay mo ng masama kaya titiisin ko na lang muna yung mga sandaling hindi kita kasama."
Napailing na lang ako sa sinabi nito.
"Kaya umisip na lang ako ng iba at saktong napadaan ako sa pet store. Kaagad kong nakita itong cute na cute na asong 'to at kaagad ko na siyang binili. Kaya umpisa ngayon ay si Maki na ang makakasama mo dito sa apartment mo, sa ngayon maliit pa siya pero darating ang araw na lalaki siya at siguradong mapo-protektahan ka niya sa mga taong magtatangkang pasukin ka dito kahit alam ko naman magaling ka sa pakikipag-away pero gusto ko lang makasiguro. Mahirap na. Mas mabuting secure ka."
Tiningnan ko yung asong naka-upo sa kandungan nito. Sakto namang napatingin ito sa akin at nagulat pa ako sa inasal ng aso! Inirapan ako! Langya!
"I don't need that." walang emosyong sabi ko habang nakatingin parin sa aso. Ramdam kong ayaw niya sa akin at mas gusto niya kay kamatis, sabagay siya naman itong bumili sa kanya.
"Ni ri-reject mo ba yung gift ko Baki?" hindi makapaniwalang tanong nito. Sadness is visible in his eyes.
Arg! "Fine! I'll accept your gift...that dog."
Kaagad naman itong napangiti saka tumayo at lalapit sana sa akin ng pigilan ko.
"Teka! May vaccination ba yan sa rubies?" kaagad kong tanong.
"Oo at wala ka namang po-problemahin kay Maki dahil mabait siyang aso." anito at binaling ang tingin sa aso at kong ano-anong pinagsasabi nito tulad ng guchi-guchi-guchi. At gusto kong salungatin yung sinabi nitong mabait ang asong hawak niya. Sa kanya siguro! tsk. "Come to your Mommy baby Maki."
I dropped my jaw after hearing that. "Mommy?! The heck kamatis?" hindi makapaniwalang bulalas ko. Kailan pa naging nanay ng isang aso ang tao?
"Oo, dahil ako yung daddy tapos ikaw naman yung Mommy. Diba ang saya?" tuwang-tuwa pa na sabi nito.
Napabuntong hininga na lang ako. Habang tumatagal ay lumalala ang sakit ni Kamatis. Lecheng pag-ibig 'yan!
"Subokan mong buhatin si baby Maki para mag kapalagayan kayo ng loob."
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...