(Re-Posted) CHAPTER 57

82 3 0
                                    

~FOREST~

HABANG abala ako sa pagsagot sa exam ko sa History ay bigla na lang may tumulong dugo sa text paper na nasa mesa ko. Napahawak ako sa aking ilong dahil ramdam kong doon ito nanggaling at tama ang hinala ko dahil kaagad kong nakita ang dugo sa aking mga daliri. Mabuti na lang at walang nakapansin dahil abala silang lahat at nakatutok sa exam kaya mabilis kong kinuha yung panyo ko at pinahid iyon hanggang mawala yung bakas ng dugo.

Hindi ko alam kong dahil ba iyon sa exam sa history kaya dumugo ang ilong ko. Nakakadugo naman kasi ng ilong yung mga tanong. Ngunit hindi naman ako nasisiraan para magpaniwala doon, alam kong imposibleng dumugo ang ilong ko ng dahil lang sa exam sa history. Pang-apat na araw ko na ngayong tinitiis yung sakit ng katawan ko, yung matinding pangingirot ng aking ulo at yung patay sinding lagnat ko. Noong una ay kaya ko pa naman itong tiisin pero sa ngayon ay mukhang gusto ng sumuko nitong aking katawan ko, dinagdagan pa yung pag-pilit kong maka-review ng mabuti dahil hindi ako puweding mag-pabaya kong ayaw kong hindi matuloy yung bakasyong pina plano ko sa amin ni Baki.

Mabuti na lang at huling araw na ng examination ngayon kaya iisa na lang ang iisipin ko. Ang makukuha kong mga scores. Kahit masama ang pakiramdam ay sinagutan kong mabuti yung mga katanungan sa test paper. Pinasa ko na yung test paper ko matapos kong masiguro ang mga sagot ko. Mabuti nalang at nasa pangalawang page iyong may patak ng dugo kaya hindi napansin iyon ni Sir Claro.

Pabalik na ako sa aking upuan ng bigla na lang akong natigilan dahil sa sobrang sakit ng aking ulo saka hindi ko na nalaman pa ang sunod na nangyari at tuloyan ng naging black out ang lahat.

~PAIN~

TATAYO na sana ako upang ipasa yung test paper ko ng makita kong nahimatay si kamatis. Lahat kami ay nagulat at mabilis na nagsilapitan yung mga kaklase ko kasama na sila Pyro at Taki pati si Sir Claro ay nakilapit na din. Nabitiwan ko na lang yung test paper ko at wala na akong pakialam pa kong saan man iyon mapunta dahil mabilis akong pumunta kong saan nahimatay si kamatis.

Sumiksik ako sa mga kaklase ko para makapunta sa harapan. Kaagad akong nakaramdam ng matinding kaba ng makita si kamatis na putlang-putla habang marahang tinatapik ni Taki ang pisnge nito upang subokang gisingin pero wala. Habang si Pyro naman ay may kausap sa cellphone niya, siguro ay nagtawag na ito ng ambulansiya. Pakiramdam ko ay na-estatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa nakikita kong kalagayan ni kamatis.

Kaagad ng pinasan ni Taki sa likoran si Kamatis at binigyan ng madadaanan ito para ma itakbo na palabas ng classroom.

"Come with us Pain."

Kaagad akong tumango kay Pyro at sumunod dito palabas. Lahat ng nadaanan naming mga estudyante ay punong-puno ng pag-alala sa mukha habang nakatingin kay Taki na pasan-pasan si kamatis na walang malay.Paglabas namin ng school building ay naabutan pa namin yung paalis ng ambulansiya na sigurado ay lulan na nito sila Taki at Kamatis. Kay Pyro na ako sumabay at sumunod na din sa Adamson hospital.

THE doctor confirmed he had a acute dengue fever. Ang rashes nito sa buong katawan ang isa sa magpapatunay doon. Ng malaman ko iyon ay mas tuminde yung kaba at nadagdagan ng takot para sa kalagayan ni kamatis ngayon, ang alam ko ay hindi basta-bastang sakit iyon dahil delikado at nakakamatay. Nandito na ngayon ang mga magulang ni kamatis at si Mrs. Everton ay walang humpay ang pag-iyak habang yakap naman siya ng esposo nito na siyang nag-bigay ng dugo kay Kamatis dahil kinailangan itong sumailalim sa blood transfusion. Nakatingin silang dalawa sa salaming bintana ng ICU na okupado ni kamatis. Kinailangang itong ipasok sa ICU dahil bumaba ang immune system nito at malaki ang posibilidad na madaling siyang mahawaan ng sakit o makakuha ng mikrobyong galing sa ibang tao at ang pinaka-iniiwasang mangyari ay maging 'dengue hemorrhagic fever'. Nasabi ng doktor na nakakamatay daw iyon.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon