EPILOGUE - It's not the End

88 4 0
                                    

FOREST~

I've been waiting for you Baki,

Where are you now?

Bakit bigla ka na lang nawala at hindi na nagparamdam pa?

Hindi ko akaling gaano ka kabilis dumating sa buhay ko at pinaibig ako ay ganun ka din kabilis mawala sa buhay ko...

Why...why did you leave me?

Is this because of who you are?

Nasabi ko naman sa'yo dibang tanggap kita kahit ano ka pa? Ano ang hindi mo na intindihan sa mga salitang iyon at iniwan mo parin ako sa kabila ng mga sinabi ko.

"Oo nga pala no? Hindi pala kompleto ang araw mo kapag wala ako."

Mapait akong napangiti ng maalala ang sinabi nito noong nasa New York pa kami. Kahit alam mo namang hindi magiging kompleto ang araw ko kapag wala ka ay iniwan mo parin ako.

Akala ko pag-gising ko matapos ang malakas na suntok na siyang nagpa-knockout sa akin ay si Baki agad ang una kong makikita pero isang nurse ang nakagisnan ko. Tinanong ko kong sino ang nagdala sa akin at sinabing isang babae daw na walang ekpsresyon sa mukha. Sapat na iyon upang malaman kong si Baki ang tinutukoy nila.

Hindi ako nagtagal sa ospital at kaagad na lumabas dahil mabuti-buti na naman yung pakiramdam ko. Dumiretso na akong pinuntahan ang apartment ni Baki, pero nagulat ako sa sinabi ng may-ari ng apartment na umalis na siya dala-dala ang ilang gamit niya pero may isang bagay itong iniwan at iyon si Baby Maki. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng mga sandaling iyon. Huli ko ng mapansing lumalandas na ang mga luha ko sa aking mga pisnge. Anong ibig sabihin ng pag-iwan mo kay Maki? Senyales ba ito na iniiwan mo na din ako? Mapait at puno ng hinanakit na tanong ko sa aking isipan. Wala na din yung kapitbahay nitong nakita ko nang gabing iyon, hindi ko parin alam kong anong kaugnayan nito kay Baki pero mukhang hindi ito pangkaraniwang tao lang.

Muli kong sinuot ang dala kong shades saka pumasok na sa loob ng kotse, bago tuloyang umalis ay sinulyapan ko pa ang apartment ni Baki. Ilang linggo na akong pabalik-balik dito na nagbabakasakaling makita ko siya muli pero hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita, walang senyales sa Baki ko.

~SEE YOU IN BOOK 2~

FINALLY the book 1 is over! Yes! Mag-bunyi. Haha Thank you sa mga nagbasa ng kwento nila Pain at Forest. Iniklian ko yung epilogue dahil ang kadugtong 'non ay nasa prologue ng Book 2. Abangan nyo...God bless us and I'm reminding you all, this is not over.

Watch out the Book 2 short trailer SOON. I will post the trailer some other time in this EPILOGUE.

Ipo-POST ko yung book 2 kapag nakaabot na ng 5k reads itong book 1. Hindi naman siguro iyon kalabisan, kindly SHARE this story para mabilis maabot yung kuta. 

See Yah!

-Sage Kim Williams,

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon