~FOREST~
HINDI ko alam na masarap pala sa pakiramdam na ilabas itong nararamdaman ko. Animo'y nasa alapaap ako sa mga sandaling ito. Ang isigaw itong 'pag-ibig' ko kay Baki at iparating sa lahat na siya itong babaing nagpapatibok ng puso ko, ang tanging laman ng isip ko oras-oras at ang babaing huling mamahalin ko.
Iniisip pa lang ang mga iyon ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapangiti. Tanggal yung paghihinayang ko dahil hindi natuloy yung plano kong bakasyon namin ng dahil lang 'don. Ngiting-ngiti na inakbayan ko si Baki saka marahang inilapit sa katawan ko. Mas lalong natuon ang atensyon ng lahat na estudyanteng nadadaanan namin dahil sa ginawa ko. Narinig ko din na 'kami na daw' How I wish! meron ding iba na malungkot ang ekspresyon habang nakatingin sa amin dahil ang gwapong Forest nila ay 'taken na daw'.
"Napaka-swerte mo talaga Baki. Ikaw itong nakahuli ng puso ko, ang pusong pinapangarap ng lahat na mapasakanila ay nahuli mo. Congrats!" tuwang-tuwa na bulong ko kay Baki.
"Tsk." mahinang sabi nito.
"Ang cute talaga ng Baki of my eye ko." sabay pisil ng kaliwang pisnge niya bago hinawakan ang kamay niya at tuloy-tuloy na naglakad papuntang classroom para sa unang subject.
"WELCOME BACK FOREST!"
Nagulat ako ng pagdating namin sa classroom ay sinalubong kami ng malakas na bati ng mga kaklase ko. Meron pa silang makukulay na confetti na sinabog sa may pintuan at yung tarpaulin na may nakasulat na "WELCOME BACK FOREST!"
"Welcome back Mr. Everton." maawtoridad pero may ngiti sa mga labi na saad ni Miss Rolly.
"Salamat Miss and sa inyo din classmates." nakangiting pasalamat ko sa kanila. Kumaway naman sila Pyro at Taki sa akin. Nakita ko din si Yein sa may gilid at hindi ako puweding magkamali na nakatingin siya sa kamay naming dalawa ni Baki na hanggang ngayon ay magkahawak parin. I mean hawak ko parin. Hehe.
Ngunit kaagad din namang inalis ni Yein iyon bago ngumiti sa akin.
Hinatid ko pa sa upuan si Baki at bago ko siya iwan ay kinindatan ko pa. Napailing na lang ito. Habang tumatagal ay mas lalo akong nababaliw sa'yo Baki. Puso't isipan baliw na baliw sa'yo. Ang lapad parin ng ngiti ko ng papunta na ako sa aking sariling upuan. Nadaanan ko pa si Taki na may kakaibang ngiti.
"Kayo na ni Baki?" mahinang tanong nito. Halatang curious sa estado namin ni Baki ang lokong hapon.
Nakangiting umiling ako.
"Eh?" nagtatakang bulalas lang nito.
Nakangiting napailing na lang ako sa kanya. Alam kong suntok sa buwan ang pa-ibigin ang isang Pain Sleign Herrera na hindi naniniwala sa 'pag-ibig' ngunit ganunpaman ay hindi ako susuko. Kong kinakailangan kong ipakilala sa kanya ang 'pag-ibig' ay gagawin ko.
Malakas din ang pakiramamdam kong may nararamdaman din siya sa akin ngunit katulad ko noon ay hindi pa nito na re-realized ang bagay na iyon. Darating ang araw na Baki will realized and find out that thingk like what happened to me. Tiwala lang!
NAKANGITING bitbit ko ang mga supot na naglalaman ng mga paboritong pagkain ng Baki of my eye ko. Simula ng araw na pinag-sigawan ko yung nararamdaman ko kay Baki ay naging pursigido na akong manliligaw. Tuwing Sabado at Linggo ay narito ako sa apartment niya para hindi ko siya ma-miss!
Ginagawa ko na lang na palusot ay may lesson kaming hindi ko na intindihan ng maayos at kailangan ko ang tulong niya. She knew it was just a lie, siya ang babaing hindi mo maloloko pero dahil pinanganak akong makulit ay wala din naman itong nagagawa kundi hahayaan lang ako, kahit hindi naman totoo ay tuturuan niya parin ako and Baki is the best tutor I ever met. Mahirap nga lang mag-focus dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong tingnan siya habang nagtuturo.Ngayon ko lang na-realized na nakaka-akit pala ang mga labi ni Baki lalo na't tuwing nagsasalita siya.
Those red lips can be very good distraction and I can't help to think what would be the feeling if I kiss those red tempting lips but I will wait for the right time that I can kiss her with her permission.
"Hindi kaba na u-umay sa mukha ko? Araw-araw na lang tayo nagkikita ah." nakabusangot na salubong nito sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pinto.
Ngumuso naman ako na animo'y nagtampo dahil sa ginawa niya. "Na u-umay kana sa gwapong mukhang 'to? Seriously Baki?" may himig na pagtatampong tanong ko sa kanya at pinalungkot pa ang mukha at meron pala akong na diskubre habang nagkakasama kami ng Baki of my eye ko. Hindi niya kayang nakikitang malungkot ako! Mas lalong nadagdagan ang hinala kong may damdamin din siya sa akin.
Kailan ba niya matutuklasan ang damdamin niya para sa'kin? naiinip na tanong ko sa aking isip-isipan.
Excited na kasi akong mangyari ang araw na iyon. Ako na ang magiging masayang gwapong nilikha ng panginoon kapag nangyari iyon.
"Arf! Arf!"
"Baby Maki!" nakangiting sinalubong ko ang aso saka binuhat ito. "Mabuti pa si Baby Maki, miss ako habang ang isa dito ay na u-umay na daw." parinig ko pa sa kanya.
"Tsk. Pumasok kana nga, ang dami mo pang sinasabi 'jan." iiling-iling na wika ni Baki.
Napangiti naman ako 'don at pumasok na sa loob.
"May dala akong mga paborito mong snacks Baki."
"Akala ko ba ayaw mong patabain ako pero ano itong ginagawa mo? Tuwing Sabado at Linggo ay dinadalhan mo ako ng mga pagkaing pampataba?" nagtatakang tanong nito ng maupo sa isang single sofa.
Hindi man lang siya umupo sa tabi ko. "Dati 'yon Baki, ngayon kahit tumaba kapa ay patuloy parin kitang mamahalin at minahal kita ng ganyan ka at ayaw kitang baguhin dahil lang sa gusto ko. I want you to remain just the way you are." Ang korni ko talaga pagdating sa kanya pero balewala iyon kong kay Baki naman no.
Napailing na lang si Baki. "Gusto mo ng sopas?" kapagkuwang tanong nito. Halatang iniiba ang paksa ng usapan. Naiilang kasi.
"Ang sweet naman ng Baki of my eye ko, pinagluto ako." nakangiting tudyo ko sa kanya.
"Mukha mo, asa ka jan. Nagluto ako dahil malamig hindi dahil alam kong darating ka." depensa naman niya. Sabagay, tama siya dahil medjo lumalamig ang klima ngayon dahil may bagyo, umuulan nga sa mga sandaling ito pero hindi iyon nag-papigil sa akin na puntahan ang Baki ko, umulan man o bumagyo pupunta at pupunta parin ako sa kanya. Naks! Ako na ang korni...pero sweet naman mga dre!
"Ang sweet mo talaga Baby Maki." sarkastikong sabi ko sa aso at tumahol lang naman ang cute na cute naming Baby Maki.
"Gusto mo o hindi?"
"Syempre gusto!" mabilis ko namang sagot bago ngumiti ng kay tamis.
~SEE YOU IN NEXT CHAPTER~
Iiklian ko na yungbawat chapter para umabot sa length na plano kong tapusin itong Book 1.
Don't forget to COMMENT, VOTE and SHAREthis story in your friends.
Thank you sa pagbabasa and God Bless us
- Sage KimWilliams.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...