Chapter 2

263 7 5
                                    

~PAIN~

 

WARNING: SPG CONTENT, NOT SUITABLE FOR MINORS! d^_^b

HINDI ko na enjoy ang break time dahil muling sumulpot ang lalaking iyon, kong hindi ako nagkakamali siya din ang lalaking iyon na sumaway sa akin kaninang umaga.

‘Forest Everton’

Tss. Ngayon ko lang nalaman na may ganung pangalan pala, honestly, hindi siya baduy kundi unique. Nasabi ko lang na baduy para asarin siya dahil ang sarap niyang asarin. Pumasok na lang ako sa sunod kong subject, hindi ako pumasok sa unang subject ko dahil nakita kong nagkaklase na sila at ayaw na ayaw kong nakakaagaw ng pansin kaya hindi na ako pumasok at nakita ko nga itong si Forest, At mukhang kaklase ko pa ang loko, nagulat pa ito ng makita ako, nginisihan ko lang siya ulit at pinakyuhan.

‘Hahaha epik ang reaksyon niya’

at sa pangalawang subject naman ay hindi ako nakapasok dahil nakatulog ako 'don sa Into the Woods. Parte iyon ng school kong saan maraming puno, masyadong tahimik ang lugar na iyon kaya napasarap ang tulog ko. Hindi ko tuloy namalayan ang oras kaya kailangan kong bumawi sa last two subject ko for this morning.

Pagpasok ko sa loob ng maingay na classroom na iyon ay bigla na lang natahimik at lahat ng mga mata nila ay nasa akin.

‘WHAT?’ gusto kong ibulyaw sa kanila pero hindi ko na lang pinansin at nilapitan ang nasa gilid na panghuling upuan at na upo. Nasa akin parin lahat ng mga mata nila. Natigil lang iyon ng pumasok na ang teacher sa Trigonometry.

“Kompleto na ba ang lahat?” nakangiting tanong pa ng babaing guro.

“Sorry Miss na late kami.”

Napalingon kaming lahat sa pinto at napangisi pa ako ng makita ang lalaking iyon na may kasama pang dalawang lalake. Nagtama pa ang aming paningin kaya kinindatan ko pa siya na kinagulat naman niya, bahagya pa itong napaatras. Mas lalo akong napangisi sa reaksyon niya.

“Oh Mr. Everton, its fine just sit already because we will start the class.” nakangiti paring sabi ni Miss. Na upo naman silang tatlo sa may pinto banda. Nakangisi parin ako habang nakatingin sa kaniya, masyado akong naaaliw sa reaksyon ng lalaking 'to. Tsk.

“Ok class I’m Miss Julia Zambrosa your trigonometry teacher, is their someone know what is trigonometry?” saka luminga-linga ito na tila naghahanap ng estudyanteng matutukso at sa kamalasan ay nahinto ang mga mata sa akin. Tumayo ako dahil hindi ako nagkakamaling ako ang tinitignan niya. Napangiti naman ito na tila natuwa sa agad kong pagtayo.

“Trigonometry is branch of mathematics that deals with the relationships between the sides and angles of triangles and with the properties and applications of the trigonometric functions of angles.” walang kagana-ganang sagot ko, hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Miss Julia at agad na umupo.

“Very good, what’s your name Miss?”

Hindi na ako tumayo ulit. “Pain Sleign...”

“Oh, very good Miss Sleign, you made me impress in the first day of class, nice.” tuwang-tuwa na sabi ni Miss Julia. Tumango lang ako sa sinabi niya at nakinig sa paliwanag niya about trigonometry. “The trigonometry has two branches, who can name those branches?” ulit na tanong nito.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon