~FOREST~
“Tingnan nyo mga dre.” nakangising sabi ko at ipinakita ko sa kanila ang cellphone ko.
“Tsk, pare-parehong Iphone S6 ang cellphone natin dre kaya huwag mo ng ipagmayabang.” nakangiwing sabi ni Taki na kararating lang mula sa Japan. Monday na kasi kaya umuwi na ang hapon. Narito kami ngayon sa room ng aming physics na subject at OO! kay Miss Rolly! hanggang ngayon ay kinakabahan ako sa muling pagkikita namin eh pero matignan ko lang ang wallpaper ko ay natatanggal ang kaba ko! Ang hanep ng wallpaper ko!
Hahaha
“Ulol! sinabi ko bang sa cellphone kayo tumingin? dito kayo tumingin!” sabay turo ko sa screen at lumapit ng bahagya ang dalawa upang matignan ang tinuturo ko, pareho silang nagtataka habang nakatingin sa screen. “Kilala nyo ba ang babaing yan mga dre?” nakangising tanong ko.
Umiling sila pareho.
“Iba na pala ang taste mo sa babae dre, iyong chubby na.” iiling-iling na sabi ni Taki habang nasa screen parin ang mga mata.
“Bakit kapa naghanap ng iba dre? eh may Pain kana, chubby naman siya kaya bakit? bakit?!” nakanguso namang sabi ni Pyro na tila nag da-drama na tulad sa isang teleserye.
“Ano ba kayo! tingnan nyong mabuti!” singhal ko sa kanila.
“Tsk, ano bang meron sa mukhang ewan na babaing ito na may bilugang pisnge at nakapikit pa ng mariin? Anong drama 'to?” iiling-iling na tanong ni Taki.
“Si Baki yan! ano ba naman kayo!” singhal ko ulit sa kanila, ang lalabo ng mga mata nila na hindi na makilala kong sino ang babaing nasa wallpaper ko.
“Wushu! gusto na niya si Pain, ginagagawa ng wallpaper eh.” tudyo ni Pyro na tinusok-tusok pa ako sa tagiliran.
“Gusto mo na si Baki dre?!” gulat namang tanong ni Taki.
“Pang-kaltukan ko kaya kayo ng isang daan, tingnan natin kong makapag-isip pa kayo ng ganyang biro.” iritang sabi ko at humalukipkip.
“Pero kong si Baki nga yan, pano mo nakuha ang picture na iyan?” tanong ni Taki.
“Oo nga, paano mo nakuha ang larawang iyan Everton?” si Pyro naman na nag ala-imbestigador sa tono ng pagkakatanong.
Napalunok ako. “P-pumunta ako sa apartment niya.” sagot ko.
“Hahahaha pinuntahan mo si Baki sa apartment niya? ayos dre! gusto mo na talaga si Baki!” tawang-tawa na sabi ni Pyro at tinapik pa ang balikat ko.
“Huwag kang exaggerated jan Adamson! pumunta lang sa apartment niya gusto na agad? tsk!”
“Eh di ano ang dahilan mo kong bakit napadpad ka sa kuta ni Pain?” patuloy ni Pyro.
“Ah-eh na b-bored ako!” singhal ko.
“Di sana pumunta ka sa amin!”
“Tsk, kukulitin lang ako ng kambal.”
“Sabagay, ayaw mo ng kinukulit ka at gustong-gusto ka kasi ng kambal kaya ganun na lang sila kakulit sayo pero bakit kay Pain ka napunta? di sana pumunta kang amusement park.” anito, tahimik lang si Taki habang palipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Pyro. Tagapakinig lang ang hapong ito.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...