~YEIN~
HINDI parin matigil-tigil ang pagbuhos ng mga luha ko matapos kong makausap si Forest.
“Sa tingin mo ba babalik ako sa'yo ng dahil lang sa sinabi mo? You fooled me once, and that is enough. Umalis kana sa harapan ko Yein, hindi mo na mababago ang tingin ko sa'yo kahit sabihin mo pa na ako ang totoong mahal mo, kahit magmakaawa ka, kahit umiyak o lumuhod ka ay hinding-hindi na maalis sa isipan at puso ko na isa kang manlolokong babae.”
Mas lalo akong napaiyak ng maalala ulit ang sinabi ni Forest. Ibang-iba na ito sa dating nakilala kong Forest, hindi ko na makita ang ngiti nitong laging nakikita ko tuwing magkasama kami, na miss ko na ang lambing nito, ang mga surprise nitong nagpapangiti sa akin at nagpapasaya, prinsesa ako ituring ni Forest noon na ayaw niyang magalusan, maski padapuan ng lamok ay ayaw na ayaw niya, he is my savior back then.
At napakatanga ko lang kong aasahan ko pang makita iyon sa kaniya pagkatapos kong lokohin siya. Hindi ko din siya masisisi kong bakit ganun na lang kalamig ang pakikitungo nito. Baliw ako kong aasahan kong sasalubongin niya ako ng mainit na yakap sa kabila ng panloloko ko sa kaniya. Napakatanga ko noon dahil nag-hanap pa ako ng iba at ang masaklap pa ay si Moriz pa!
Hindi ko lang sinira ang relasyon naming dalawa kundi pati na yung relasyon ng mag-pinsan. Hindi ko naman sinasadiyang mahalin ng sabay sina Forest at Moriz, mahal ko naman talaga si Forest pero hindi ko alam kong bakit ko minahal din si Moriz na kaklase ng kuya ko sa Everton University. Nakilala ko si Moriz ng isang gabi ay pumunta siya sa bahay para sa project nila ni Kuya Hans. Noong una hindi ko pa alam na isang Everton din pala ito. Hindi ko alam kong bakit nakaramdam ako ng kakaiba ng unang mapagmasdan ko siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing lihim ko siyang tinitignan. Maybe ‘love at first sight’ strikes me that time.
Kaagad ko namang winaglit iyon sa isipan ko dahil ng mga panahong iyon ay kami na ni Forest, hindi ko dapat nararamdaman ang mga damdaming iyon kay Moriz dahil may boyfriend na ako. Subalit nasundan pa ang pag-bisita ni Moriz sa bahay at nalaman kong interesado din pala siya sa akin, masaya ako na malaman iyon dahil pareho pala kami at ewan ko ba’t nakalimutan ko si Forest ng mga oras na iyon. Hinayaan ko ang sarili kong mas lalong makipaglapit kay Moriz, sweet na tao si Moriz at malambing, katulad ni Forest pero pakiramdam ko kasi nangingibabaw si Moriz kay Forest kaya mas lalo kong hinayaan ang sarili kong makipaglapit kay Moriz.
Hanggang sa kaarawan ni Forest, pareho kaming nagulat ng makita ang isa’t isa sa pagtitipong iyon. Habang nasa tabi ako ni Forest ay hindi ako mapakali, gusto kong lapitan si Moriz pero hindi pwede dahil nasa tabi ko ang boyfriend ko.
Kaya ng makahanap ako ng tyempo ay iniwan ko si Forest ng hindi nagpapaalam, abala kasi ito sa iba pang bisita kaya tiningnan ko si Moriz at tila alam na kaagad nito ang gusto ko kaya tumayo ito at naglakad paalis na kaagad kong sinundan. Doon sa garden kami nagkita, kaagad itong yumakap sa akin.
Doon ko lang din nalamang mag-pinsan pala sila ni Forest, nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib dahil ang lalaking gusto ko ay pinsan pa ng boyfriend ko. Doon ko lang na realize na maling-mali ang ginagawa namin, niloloko ko ang lalaking walang ibang ginawa kundi mahalin at pagsilbihan ako ng buong puso, gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa panloloko ko kay Forest.
Gusto ko ng tapusin ang lahat sa amin ng mga oras na iyon…
flashback…
“Let’s end this Moriz! ayaw ko ng lokohin si Forest na pinsan mo pala.” naiiyak na sabi ko habang nakayuko. Naramdaman ko yung paghawak ni Moriz sa balikat ko at marahang pinisil iyon kaya napatingin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...