~PAIN~
NAPATINGIN ako sa kalendaryong nakasabit sa pader. August 28, 2014.This is her 1st death anniversary. Ito mismong araw namatay ang kauna-unahan kong naging kaibigan. Kinuha ko yung pakete ng sigarilyo saka kumuha ng isang stick at kaagad na sinindihan iyon. Ready kana bang bumalik? tanong ng aking isipan.
Nagkibit balikat lang ako tungkol 'don bago ko kinuha yung backpack ko at lumabas ng apartment ko. Naabutan ko si kamatis sa labas na tila kakadating lang nito. Simula ng nagkaayos kami noong lunes ay lagi na niya akong pinupuntahan dito at sinasabay sa kanya sa pagpasok sa EHS. Nakakapanibago man yung kinikilos ni Kamatis lalo na't pinaparamdam na nito sa akin na higit pa sa isang kaibigan ang turing niya sa akin. Nakakapanibago at nakakailang iyon para sa akin pero mukhang wala namang nag-bago kay kamatis, nadagdagan lang yung ugali nito at wala naman akong nakikitang masama doon. Hindi sa gusto ko pero ayaw ko lang gumawa ng kahit anong hakbang dahil ayaw ko din siyang masaktan ulit.
"Morning Baki! Tara, sabay ulit tayo sa school." nakangiting bati nito sa akin.
"May iba akong lakad kamatis."
Nag-iba bigla ang pagkakatingin nito sa akin. "Saan ka na naman pupunta? May laban ka na naman bang pupuntahan?"
Umiling ako. "Uuwi akong Lucena."
"Para sa isang laban ulit? Naku Baki tigil-tigilan mo nga iyang ginagawa mo ah, nilalapit mo lang sa kamatayan ang iyong sarili."
"Hindi ako uuwi ng Lucena para makipag-laban, may kailangan lang akong bisitahin. Sumunod kana sa akin palabas." sabi ko at naglakad na. Naramdaman ko namang sumunod siya.
Kong hindi lang sa dahilang gusto kong bisitahin ang puntod ni Trisha ay hinding-hindi na ako aapak pang muli sa lugar na pinanggalingan ko dahil maalala ko lang yung pagiging miserable ng buhay ko. Bago ako tuloyang umalis sa Lucena, binisita ko muna yung puntod ni Trisha at pinangako kong babalik ako para sa kanya at mukhang ito ang tamang araw para tuparin ko ang pangako ko sa kanya. Tutal bukas pa naman yung finals sa laro namin at isang araw lang naman ito, wala akong planong magpalipas ng gabi sa lugar na iyon. Tsk.
"Puweding sumama?" narinig kong tanong niya.
Umiling ako. "Hindi. Masyadong delikado."
Sa Lucena naglipana na yung mga kaaway ng magaling kong ama at mga gustong pumatay sa akin kaya sigiruadong nasa paligid lang sila kapag muli akong umapak sa lugar na iyon kaya napaka-delikadong isama ko si kamatis. Ang Lucena ang pinaka hinding-hindi ko pagdadalhan kay kamatis dahil ang lugar na iyon ay napaka-delikadong lugar para sa mga taong mahalaga sa akin.
"Please Baki, gusto kong sumama, makita man lang yung lugar na kinalakihan mo." pakiusap pa nito.
"Hindi puwede." kalmadong sabi ko. Nakaabot na kami sa aking sasakyan ay patuloy parin ito sa pangungulit na sumama sa akin. "Aalis na ako kamatis, mag-ingat ka sa daan." sabay sarado ng pinto at pinaandar na yung makina. Tiningnan ko si kamatis na nasa gilid parin at nakanguso, nangingi-usap ang mga mata nito ngunit nagmatigas parin ako. Hindi ko na tiningnan pa si kamatis ng pinaandar ko na paalis yung sasakyan ko.
This is for you safety kamatis.
KANINANG pag-abot ko dito sa Lucena, tila isang malaking baha ang nangyari sa aking alaala dahil bumalik sa aking isipan kong gaano ka miserable ang buhay ko dito sa lugar na 'to dahil sa pamilyang meron ako. Kong gaano kaiba ang naging buhay ko sa mga normal na bata at teenagers. Kaagad kong inalis sa aking isipan iyon bago ko kinuha yung puting rosas na alam kong paborito ni Trisha na binili ko sa isang flower shop na nadaanan ko kanina habang papuntang Lucena.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...