Chapter 9 - Gimmik

107 2 0
                                    

~FOREST~

PAKIRAMDAM ko natuyo ang lalamunan ko ng mga sandaling ito.

“A-anong si-sinabi mo?!”

“Huwag kang masyadong malapit baka mahalikan kita.”

INULIT PA TALAGA NG LOKO!

At doon ko lang napansin na kay lapit pala naming dalawa sa isa’t isa. Hawak-hawak ko pa yung kamay niya! Kaagad ko din namang binitiwan at naiilang na umiwas ng tingin. Hindi ko alam pero mukang nag-init yata ang mga pisnge ko?

Badtrip!

NAGBA-BLUSH BA AKO?!

Anak ng kagang!

Kailan pa ako natutong mag-blush? badtrip sa harapan pa ni Baki!’

“Baki!”

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon, nanlaki pa ang mga mata ko ng makita sina Pyro at Taki na papalapit sa amin. Kaagad akong tumalikod dahil ramdam ko paring namumula ang pisnge ko.

 ‘Mawala na sana yung pamumula ng mukha ko! tangina! nakakahiyang makita pa to ng mga loko!’

“Ikaw nga Baki!” tuwang-tuwa na bulalas ulit ni Taki.

“Baki?” bakas sa boses nito ang pagtataka.

 

‘Hahahahaha sino naman kasi ang hindi magtataka!XD!’

Narinig ko pang natawa ang dalawang loko. “Hahahaha Oo, Baki ang tawag namin sa'yo dahil ang lakas mo sumuntok at si Forest ang pasimuno niyan” si Taki iyon.

TSS! ang daldal ng hapong 'to!’

“Hoy dre! sinong tinitingnan mo jan sa likod?” rinig ko namang tanong ni Pyro kaya humarap na ako sa kanila, mabuti na lang hindi ko na maramdaman yung init ng mga pisnge ko.

“Ahehehe m-may magandang c-chikz eh.” pagsisinungaling ko.

“Hindi mo ba napansin si Baki?” tanong ulit ni Pyro.

“Magka-usap nga kami eh.” sagot ni Baki.

“Talaga?” tila na iintrigang tanong ni Pyro.

Tumango si Baki. “Nag b—”

Kaagad kong nilapitan si Baki sabay takip ng bunganga niya.

Pucha! sasabihin niya talaga sa dalawang nag-blush ako? Kaasar ha!

“Uy naglalapit ang dalawa.” tudyo ni Pyro na pinagdikit pa ang dalawang index finger.

Natigilan naman ako at napatingin sa aming posisyon ni Baki. Nasa likoran ako nito habang takip-takip ang bunganga nito! Napalunok pa ako ng maramdaman ang labi nito sa aking palad. Pakiramdam ko nag-init bigla ang paligid.

WTF!

“Uy dre, bitiwan mo na si Baki, tama na ang tsansing.” may pilyong ngiting wika ni Taki.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon