Chapter 22 - Welcome Party

77 1 0
                                    

~FOREST~

HINDI parin ako makapaniwala matapos ang kanta ni Taki. Manhid lang ang hindi makakaramdam na isa siyang taong in-love. Hindi ito katulad kanina na tila pinagbagsakan ng langit at lupa habang nasa taas ng stage. Kong sa babae ay blooming na blooming ang itsura nito kanina at sigurado akong iisa lang ang pweding maging dahilan 'non.

Si Megaphone! siguradong nakita niya ito at kong hindi ako nagkakamali ay si Megaphone ang tinitingnan nito dahil nasa iisang direksyon lang siya nakatingin habang kumakanta. Hindi ko man masiguro kong nasaan ito nakatingin, sigurado naman kong sino ang tinitingnan niya. Sino pa? Di si Megaphone lang. Masaya ako para kay Taki, ang buong akala ko ay magiging malungkot siya magdamag pero mukhang isang Megaphone lang ang makakapag-pabago ng mood ng lokong hapon at kitang-kita naman ang resulta mga dre.

At tama nga ang hinala ko dahil he dedicated that song for her. Ang korni ng loko! Ngiting-ngiti lang sina Pyro at Yami sa ginawa ni Taki. Habang ang katabi ko naman ay walang reaction pero nakatingin din ito kanina sa taas ng stage, wala lang talaga siyang reaction. Hindi man lang kinilig? Hindi tulad ng ibang babae dito na halos sumigaw na dahil sa kilig pero itong Baki ay ibang-iba. Sabagay, lalake, tss.

Napailing na lang ako. Ilang saglit lang ay nakita na namin si Taki kasama si Megaphone. Napangiti ako dahil sa nakikita kong magkahawak kamay sila ay may magandang balita itong dala.

 

“Mga dre, alam kong nakita 'nyo na siya pero hindi 'nyo pa kilala kaya ipapakilala ko sa inyo ang babaing kauna-unahang nagpatibok ng puso ko, meet Charlie, my soon-to-be-girlfriend.” seryuso pero nakangiting pakilala ni Taki kay Megaphone na Charlie ang pangalan. Kakaiba ang pangalan nito pero name doesn’t matter I think when it comes to love. Hala! Nag a-ala Pyro na din ako kong magsalita!

“This is Pyro Adamson with Yami, ang babaing nililigawan niya habang ito naman ang sinasabi kong Forest Everton habang ang katabi naman niya ang babaing gusto niya pero in-denial pa kaya hindi niya pa aaminin yan.”

Napatingin naman ako ng matalim kay Taki. Ngumiti lang ang loko at nag-peace sign. Napatingin naman ako kay Baki, blangko parin ito pero nakatingin naman kina Taki at Charlie. Mabuti naman at wala itong reaction, ayaw ko lang mag-assume ang babaing to.

“Hi, ako nga pala si Charlie Anne Yoon.” pakilala ni Charlie saka napatingin ito sa akin.

“Pasensiya na pala sa unang pagkikita natin at nasabi ko sa'yo noon Forest. Badtrip lang talaga ako ng araw na iyon dahil napaakyat ako ng wala sa oras sa 3rd floor para lang hanapin ang rini-request ng babaing nasa loob ng shower room.”

 “Okay lang 'yon, basta ang mahalaga masaya itong kaibigan namin, pasensiyahan mo na rin si Yein dahil sa kaniya ay napaakyat ka sa 3rd floor at naabala pa.” nakangiting sabi ko.

“Okay lang 'yon, wala na sa akin iyon.”

“We are glad to meet you Charlie, maupo na kayo ni Taki dahil para sa inyo talaga ang natitirang dalawang upuan.” nakangiti namang wika ni Pyro.

“Hi Charlie!” bati naman ni Yami.

“Hello.” tila nahihiya pang bati ni Charlie saka tiningnan si Baki. Mukhang hinihintay nitong bumati din ito tulad sa  ginawa ni Yami pero kilala ko itong Baki. Hindi ito FRIENDLY!

“Ah i-isa kang Korean?” agaw pansin ko na lang na epektibo naman dahil natuon ang tingin nito sa akin. Nakangiting tumango naman ito. “Hmm…pano yan eh hapon itong si Taki habang ikaw isang koreana.”

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon