Chapter 25 - Welcome Party

73 1 0
                                    

~FOREST~

 

Nasaan na kaya ang babaing iyon? tanong ko sa aking isipan habang hinahanap sa paligid si Baki. Nakakabilib lang dahil ang bilis nitong mawala kanina. Ibang klase! Ginamit na naman nito ang pagiging ninja. Wala namang ugaling ninja si Baki pero siya meron! Napailing na lang ako.

Ngunit napangiti na lang ako ng maalala ulit iyong nangyari sa gitna ng dance floor. Hindi ko alam pero pakiramdam ko naghihinayang ako dahil hindi natuloy iyong dapat kong gawin. Tsk. Napansin ko na lang na nasa pinto na ako ng convention center. Napaisip ako. Di kaya lumabas ang lokong Baki na 'yon? nagkibit balikat ako tapos lumabas na. Wala namang tao sa labas, syempre nasa loob ang party kaya anong gagawin nila dito. Napakamot na lang ako sa aking ulo at babalik na sana sa loob ng mahagip ng mga mata ko ang babaing nakasandal sa puno at may munting pulang ilaw na patay-sindi. Hindi ako pweding magkamali na siya ang hinahanap ko. Meron naman kasing ilaw pero dahil sa ilalim ng puno kaya medjo madilim at siya lang ang kilala kong…

 

Naninigarilyo! Apoy ng sigarilyo ang tinutukoy ko na munting pulang ilaw. Nakakunot noo ako ng lumapit sa kaniya. Para akong susugod sa gyera sa aking itsura.

 

“Ano bang maganda sa sigarilyo at lagi kang humihithit niyan?!” pasinghal na tanong ko sa kaniya.

“Tikman mo para malaman mo.” tila tinatamad na sagot nito.

“No way! hinding-hindi ko titikman ang bagay na iyan dahil alam kong nakakasama sa baga ang sigarilyo, dapat alam mo 'yon!”

“Hindi ko alam eh.” nakangising sabi nito.

Bumuntong hininga na lang ako. “Bakit bigla kang nawala kanina?”

Tumigil ito sa paghithit ng sigarilyo at tumingin sa akin. “That’s my time to exit.”

Napangiwi naman ako sa sinagot niya. “Anong ibig mong sabihin?”

 

“The princess already came so the pauper should let the princess and the prince to be together. Happy ending!”

 

“What?!” bulalas ko. Ano bang pinagsasabi ng babaing ito? pero natigilan ako ng may pumasok sa aking isipan at napangiti na lang ako. “Ah don’t tell me you got jealous that’s why you left like a ninja.”

 

“You had a wide imagination there.”

 

“Sabihin mo na lang kasing nag-selos ka para tapos ang usapan.” patuloy ko habang may mga ngiti parin sa mga labi. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya ng maisip na nag-selos ito kay Yein kaya bigla-bigla na lang umalis.

 

“Is it a big deal for you? mahalaga bang malaman mo kong nag-selos ako kanina. Tss you really like me don’t you?”

 

“Pano kong sabihin kong oo?!” biro ko lang iyon pero pakiramdam ko mukhang hindi lang iyon biro eh. Nagugulohan na talaga ako sa aking sarili ngayong gabi. In just one night with her made me this really really weird!

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon