~FOREST~
‘ANG sabi ko sa inyo, may part 2 pa yung laughing so hard portion nitong dalawang loko’
“Tuwing na i-imagined ko yung namumulang mukha mo dre? PUCHA! hindi ko mapigilang matawa ng todo! bwahahahahahahahaha!” si Taki.
“Ako din! Ako din! hahahahaha nakakahiya ka dre! sa harap pa talaga ni Pain ha!” segunda ni Pyro.
“Tsk, paguuntogin ko kaya kayong dalawa, tignan lang natin kong makakatawa pa kayo.” iritang sabi ko at humalukipkip.
Tumigil sila sa kakatawa at tumingin sa akin. Napangisi naman ako dahil mukhang natakot naman ang dalawa pero…
“HAHAHAHAHAHA hindi ko talaga mapigilan eh!” muling tawa ni Taki.
At tumawa din ng malakas si Pyro, wala pa kasi si Miss Rolly kaya pwede pang mag-ingay.
“Lunokin nyo tawa nyo!” na-aasar na singhal ko sa kanilang dalawa.
“Ulol! pwede kayang lunokin ang tawa?!” natatawa paring sabi ni Pyro at tiningnan nito si Taki. “Subukan mo nga dre.” ngiting-ngiti namang utos nito kay Taki at ang baliw na Taki ay sinubokan nga.
‘HAHAHAHA uto-uto talaga itong hapon na 'to’
“Gago! bakit mo sinunod?!” natatawang singhal ni Pyro.
“Sabi mo subokan ko?” ani Taki habang pakamot-kamot pa sa ulo.
Sabay kaming napailing ni Pyro at natawa na lang din kaming tatlo. Pero natigil ang pagtawa namin ng pumasok si…
“Yein?” mahinang bulalas ko.
“Anong ginagawa ng babaing yan dito?” tanong ni Taki.
“Naka-uniform siya ng E.H.S, mukhang dito na ulit siya mag-aaral.” si Pyro.
Napailing ako.
“Langya! bakit pa bumalik yan dito?”
“Forest!”
‘Tss. Hanep! parang walang nangyaring lokohan sa amin kong makatawag siya ng pangalan ko ah’
Lumapit ito sa amin at humila pa ng isang silya. Gusto kong matawa ng pagak dahil ang kapal ng mukha niyang maupo pa talaga sa aking tabi. Tiningnan ko lang ang dalawa lalo na si Taki na matalim ang tingin nito kay Yein.
Kong nakakamatay lang ang matalim na tingin, kanina pa pira-piraso itong babaing to. Nakangiti ito sa akin.
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ko.
“Ikaw.” nakangiting sagot nito.
“Mukhang may nakatakas na baliw sa mental.” parinig ni Taki pero nasa ibang direksyon ito nakatingin.
Nakakunot noong tiningnan ni Yein si Taki. “Excuse me?” maarteng tanong nito kay Taki.
Habang nililigawan ko ito noon, hindi ko nakita ang maarteng ugali nito. Mabuti na lang naghiwalay kami kahit masakit. Ngayon ko lang na realized na hindi ko pa pala kilalang-kilala si Yein.
Matalim parin ang tingin ni Taki ng tingnan nito si Yein. “Oh?”
“Anong sinasabi mo jang takas na baliw?”
“Hala? tinatamaan kaba? Tsk..tsk..tsk.”
“Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo Taki, napaka-bastos mo!” iritang sabi ni Yein na tinaasan pa ng isang kilay.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...