Chapter 36 - The Silver Quiz Bee

75 4 10
                                    

d^-^b__2014 yung gamit ko hindi 2015. Bali 2014 yung taon sa kwentong ito. Medjo delay ng 0ne year ang kwento nito, gusto ko kasing humabol sa eksaktong araw ngayon but in the future pa. Arte lang ng Awtor hehe. Matapos ng unang rebelasiyon ni Pain, ngayon, maghahasaan naman sila ng utak. Hekhek. ENJOY.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~PAIN~

MABIGAT ang katawan ko ng bumangon ako kina-umagahan. Not because I’m fat. Tsk. Hindi lang mabigat kundi kumikirot din ang ulo ko. Napahawak ako sa aking sentido at hinilot iyon. Anak ka ng kagang Baki, ngayon kapa magkakasakit sa mismong araw ng kompetisiyon.Napailing ako at tumayo na sa kama. Lumabas na ako ng kwarto ko at kumuha ng gamot upang maiwasan itong nag-babadiyang sakit. Tumuloy na ako sa banyo at naligo. 8 a.m ang umpisa kaya hindi dapat ako ma-late.

Hindi na ako nag-luto kundi nag-bukas na lang ako ng wow ulam saka kumain. Mabilis ang bawat kilos ko dahil hindi nga pweding ma-late at baka mapagalitan ako ni Miss Del Monte na siyang nagsisilbing adviser namin dito sa quiz bee na ito.

Nag-drive na ako papuntang Equinox Hall kong saan gaganapin ang kompetisiyon. Ginamit ko yung Maps Application na naka-install sa iphone upang i-guide ako kong saan ako dadaan papunta sa lugar na iyon. Hindi naman naging mahirap iyon at nakarating din ako ng halos 30 minutes lang ang byahe. Pagkatapos kong i-park ang sasakyan ko ay bumaba na ako at pumasok sa hall. Ang sabi ni Miss Del Monte ang magiging kalaban namin ay isang prestigious high school din na Isean High School. Ang EHS, Isean High School, Fontana Academy at St. Bernard High School ang maswerteng pinili ng mga Warex Organization na siyang nag-organize nitong Silver Quiz Bee. Lahat ng school ay prestigious at hindi basta-basta, lahat ng mga estudyanteng sasabak ay matatalino at magagaling. Sa final round ay maglalaban ang mga nanalo sa set A and B at kong sino ang manalo sa final game ang siyang lalaban sa International Golden Quiz Bee na gaganapin daw sa ibang bansa. Bali magiging pambato na ng buong Pilipinas ang ipapadala doon.

“Miss Herrera!”

Kaagad akong napalingon kong saan nagmula ang boses ni Miss Del Monte. Kaagad itong lumapit sa akin.

“Handa kana ba Miss Herrera?”

I just nod.

“That’s great, hintayin na lang natin si Mr. Everton na papunta na daw dito.” Pagkatapos sabihin iyon ay pumasok na nga si kamatis at hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Dean at may matanda pa itong kasama. Seryuso ang itsura ng matanda pero hindi ito iyong tipong u-ugod-ugod na dahil diretso parin ang tindig nito kaya masasabi kong malakas parin ito. Maawtoridad ang dating nito. Napatingin ako kay kamatis na tahimik lang at mukhang ninerbiyos pa.

Ito yata ang tinutukoy nitong lolo. Napatango ako. Kaya naman pala takot ang loko dahil itsura palang ng lolo nito ay nakakatakot na pero ibahin niya ako dahil hindi ako nasisindak sa lolo niya. Tsk.

“Good Morning Sir.” magalang na bati ni Miss sa dalawang Everton, ngumiti lang si Miss kay kamatis. Ng mapatingin naman sa akin si Kamatis ay kaagad na sumilay ang ngiti sa labi nito. Napailing ako. Kanina lang ay halos seryusong-seryuso ito pero ngayon, halos umabot naman sa tenga ang ngiti nito.

“Baki!” tuwang-tuwa na tawag nito sa akin.

Tumango lang ako at napatingin kay Dean saka sa isa pang Everton.

“You must be my grandson’s partner?” maawtoridad na tanong nito.

“Yes sir, I’m Pain Sleign Herrera.” walang emosyong pakilala ko sa kanya.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon