Chapter 28

141 3 6
                                    

Maganda talaga ang feeling na nag o-open up ang mga readers mo tungkol sa nabasa nilang gawa mo. Napapasaya talaga ako tuwing may nag me-message na nagsasabing nagustohan nila ang gawa ko at kinilig din. Ganyan lang naman ang kailangan naming mga author, makatanggap ng feedback kahit hindi maganda ay ayos na sa amin iyon. Sana dumami pa yung mga readers ko na mag o-open up sa akin tungkol sa experience nila habang nagbabasa ng gawa ko.

Kaya dedicated ko to para sayo dear, lab yah...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Another Note: Edited po ito, pasensiya na dahil sa chapter na ito ako nag-umpisa ang lecheng author's black. Pasensiya na ulit.

~PAIN~

NGAYON ko lang nalamang magaling din pala ako sa volleyball hahaha. Pero ayaw ko parin nitong sports na ito, ang hirap mag-pigil ng lakas eh. Tiningnan ko ang babaing iyon na tila tinakasan na ng kaluluwa sa kinatatayuan nito. Sinabi ko ng matatalo ka, hindi ka nakinig.

“Uupo ka na lang ba jan at hahayaan mo ang mga ka-grupo mong matalo? are you a coward?” maarteng tanong nito sa akin ng lumapit ito. Hindi ko na sana siya papansinin dahil wala naman talaga akong planong mag-laro pero sinabihan niya ako ng ‘coward’ and I’m not like that.

“Huwag mo akong hamunin Miss, hindi ako nagpapatalo, mapapahiya ka lang.”

“Ha! as if kaya mong talunin ang isang M.V.P!” may yabang sa boses na sabi nito, tinutukoy siguro nito ang sarili at mukhang matatakot naman ako, kasehodang M.V.P siya ay hindi na ibig sabihin 'non ay hindi siya makakayang talunin ng isang great Pain Sleign.

“The hell I care if you’re M.V.P, just don’t feel sorry and regretful at the end if you lost your own battle with me.” nakangising sabi ko.

“Huwag kang puros satsat, tumayo kana jan at labanan mo ako.” nag-paalam ito na nakangiti pa sa akin na para bang hindi siya nag-maldita kong umasta. May sapak din ang babaing iyon, tsk. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang nakabalik na ito sa loob ng court. Tumayo na ako para mag-laro na din.

Sinabi ko na sa kanyang hindi ako nagpapatalo kaya kahit mahirap pigilan ang lakas ng mga kamay ko ay nagawa ko parin dahil hindi ko ugaling matalo sa mga hamon. Dapat niyang malaman na hindi magandang hinahamon ang isang Pain Sleign Herrera. Lahat ng humahamon sa akin ay natatalo lang at kong ayaw 'nyong makilala ang taong tatalo sa inyo, huwag na huwag kayong mang-hahamon sa harapan ko. Mapapahiya lang kayo.

Tsk pamatay na linya na naman iyon Pain! Na i-announce na yung panalo kaya kailangan ko ng umalis. Pagod na pagod na naman ako at nagugutom na din, tsk ito talaga ang pinaka-ayaw ko tuwing maglalaro ng mga sports. Ako ang ginagawang pambato! pero okay lang natalo ko naman ang babaing iyon at siguradong she will learn her lesson. Kinuha ko na yung backpack ko at  naglakad na ako palabas ng gym at hindi na pinansin ang mga kasama kong tuwang-tuwa parin na animo’y nanalo talaga sa totoong laban. Ang bababaw ng kasiyahan nila.

“Baki!”

Lumingon ako at nakita ko si kamatis sa likoran ko na tila humabol pa sa akin.

“Ang galing mo 'don ah!”

“Bilib na bilib ka na naman.” nakangising sabi ko habang naglalakad na muli.

“Hahahaha siguradong madadagdagan na naman kayabangan mo 'neto pero napabilib mo talaga ang pinakagwapong nilalang na si Forest Everton!”

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon