~FOREST~
WARNING: May mga SPG na salita! BEWARE!
NAKANGITI akong pumasok sa loob ng classroom. Kaagad kong hinanap ang babaing iyon at nakita ko naman ang blangkong mukha nito. Kumaway lang ako kila Pyro at Taki. Humila ako ng isang upuan sa may harap niya para magka-face to face kaming dalawa. Nilapag ko sa mesa niya ang isang paper bag.
“Ano 'yan?” nababagot na tanong nito.
Ngumiti ako. “Buksan mo kaya.” pilosopong sagot ko.
“Tsk.” pahablot na kinuha nito yung paper bag at binuksan nga iyon. Hindi man lang ito nagulat ng makita ang laman. Kinuha nito sa paper bag yung box ng Iphone 6.
“Regalo ko iyan sa'yo dahil tinulongan mo ako noong Sabado.”
“I don’t need this.”
Ouch! Napasimangot ako sa sinabi niya. “Magpasalamat ka na lang kaya!” naiinis kong sabi sa kanya.
“Hindi ako magpapasalamat dahil hindi ko naman ito tatanggapin, aanhin ko 'to ha?”
“Pangkalso mo sa mesa! gawin mong ash tray!” singhal ko na sa kanya. Kainis kasi eh. “Bahala ka pero hindi ko na yan tatanggapin pa, kunin mo na para naman may gamitin ka in case of emergency, meron na yang sim card at ready to use na.” kalmado ng sabi ko.
“I don’t know how to use this, itatapon ko na lang 'to kong ayaw mong tanggapin ulit.” anito na may pilyong ngiti sa mga labi.
Nang-aasar ba siya? Tsk! “Hoy babae, hindi mo ba alam na maraming nangangarap na magkaroon ng ganyang cellphone tapos ikaw? binigyan ka na nga, ikaw na itong ma-swerte tapos itatapon mo lang? Are you out of your mind Baki?!”
“Gusto mo bang tanggapin ko 'to?” seryusong tanong nito.
I nodded.
“Then, I will accept this in one condition.”
Kinabahan ako. Ano naman kaya ang kondisyon ng babaing ito?
“Ano iyon?”
“Tatanggapin ko ito pero hinding-hindi ka na makakalapit pa sa akin.”
~PAIN~
PAGPASOK ko sa classroom may apat na babae ang humarang sa aking dinadaanan. Maaga pa kasi kaya wala pang tao sa loob, kaming lima lang.Dalawa sa kanila ay iyong dalawang babaing unang nag-subok na makipag-kaibigan sa akin pero tinanggihan ko lang.
“Bilib din ako sa'yo Pain.”
“Ayaw niyang makipag-kaibigan sa atin pero kila Forest, okay lang.”
“Feeling maganda, sama ka ng sama sa mga popular boys para ano? maging popular ka din? Ha! IN YOUR DREAMS!” umismid ito.
“Ang sabihin mo, malandi ka lang kaya sa mga lalake ka nakikipag-kaibigan!” singhal ni Pewee. Siya lang kasi yung natatandaan kong pangalan.
Mukhang planado nilang pumasok ng maaga para komprontahin ako ng ganito.Napabuntong hininga ako. “Aalis kayo sa daraanan ko o sasagasaan ko kayo?” I said and my expression remained placid. Ano bang pinagsasabi nila? To be a Popular? What the heck!
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...