Chapter 17

69 2 0
                                    

~Yein~

HINDI parin mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nangyari, alam kong hindi niya matitiis ang makitang may umiiyak sa harapan niya kaya ginamit ko ang alam kong kahinaan niya. Ang galing ko lang talaga! Hindi naman ako nagkamali at hayun, nakuha ko ang gusto ko na maging friends ulit kami kahit alam kong napipilitan lang siya. Gagawa ako ng paraan para matanggal ang ‘napipilitan’  na 'yon at gawing makatotohanan ng bukal sa loob nito. Hindi din totoo na gusto kong maging friends lang kami dahil hindi ako makokontento sa ganun.

I want him and this is a a part of my plan. Sa ngayon kaibigan muna. Matapos ang laro namin ng volleyball na nag-resulta ng pagkapanalo namin kaya kami ang magiging opponent ng naunang nanalong team na sa pagkakaalam ko ay kinabibilangan ng no-emotion-face-girl na iyon. Kinatuwa ko iyon dahil tatalunin ko siya sa pagtutos namin! M.V.P kaya ako sa volleyball!

Pumunta na akong cafeteria na mag-isa dahil sa pesteng Taki na 'yon! Duh! pinilit ko lang maging nice sa kaniya kanina at ang kapal talaga dahil sinigawan pa ako sa kabila ng pagiging nice ko at paghingi ng tawad. Yan tuloy iniwan ako ni Forest! Mag-isa tuloy ako!

“Excited na ako this Friday!”

“Sinong escort mo sa Welcome party?”

“Nag-imagined akong si Forest sana pero hanggang imagination lang talaga eh.”

Gusto kong matawa sa aking narinig. Hell yeah! hanggang imagination lang kayo dahil ako ang magiging partner ni Forest ng gabing iyon! gustong-gusto kong sabihin iyon sa pagmumukha ng dalawang nag-uusap sa likoran ko habang nakapila sa may counter.

Hindi ko tuloy na pigilang ma-excite para sa darating na Byernes. I know na hindi ito papayag kong ako ang magtatanong na kong pwede siyang maging escort ko kaya gagamitin ko ang tulong ni Tito Harry at alam na alam kong hindi siya makakatanggi 'don!

Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa locker ko upang kunin ang uniform ko at makapag-shower na din dahil ramdam ko yung pawis kong nakuha sa paglalaro ng volleyball and it’s not comfortable. It stinks kahit alam kong wala namang amoy ang pawis ko. Pagkatapos kong makuha ang mga pamalit ko ay pumunta ulit ako ng gym para mag-shower. Mas malapit  kasi ang shower room sa may gym kaysa sa shower room sa may poolside. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at binuksan ang shower. Hinayaan kong lumagasgas ang tubig sa buong katawan ko habang abala ang isipan ko sa mga pweding mangyari sa amin ni Forest this Friday night .

I never kiss him before that’s why I will do everything to kiss him this Friday night! napangiti pa ako sa aking naisip. Kailangan ko palang bumili ng magandang dress for that occasion. Kailangan ding ako ang pinakamaganda sa gabing iyon.

Na excite ako lalo sa aking naisip kaya agad-agad akong kumilos at paglabas ko ay…

“OUCH!” malakas na sigaw ko dahil nadulas ang paa ko sa tiles at tuloy-tuloy na natumba sa tiles na sahig. Nasapo ko ang aking pang-upo sa sobrang sakit! I tried to stand up but I failed, its fucking painfull! Damn it!

Narinig kong may kumatok sa pinto ng shower room. “Miss okay ka lang ba?” tanong ng isang babae.

 

“NO! CALL FOREST EVERTON NOW!” sigaw ko.

 

“Y-yes Miss!” dali-daling sagot ng babae at narinig ko na yung nagmamadaling yabag nito. I moaned in so much pain!

~FOREST~

 

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon