~PAIN~
“HUWAG mong bangasan ang gwapong mukha.” kalmadong sabi ko habang hawak-hawak ko yung kamao ng lalake. Kong hindi ako nagkakamali, hindi nalalayo ang edad nito sa amin at may ibubuga din ang mukha nito at tiningnan ko si kamatis…per mas gwapo parin si kamatis hehehe.Gusto ko pang matawa dahil ang hina ng pwersang naramdaman ko sa kamao nito. Pero sakto lang iyon para mawalan ng ulirat itong lasing na kamatis at siguradong ayaw nitong mabangasan ang gwapo nitong mukha. Tsk, ganito naman ang mga taong gwapong-gwapo sa sarili diba? at sayang din naman pag-nabangasan.Nakita ko pa sa gilid ang kawawang security guard ng BAC, nakahandusay na ito sa sahig at wala ng malay. Kawawang mama, sinubokan lang yatang awatin ang gulo pero siya itong napahamak. Tiningnan ko yung lalake na nanlilisik 'yong mga mata nito habang nakatingin sa akin. Galit na galit ang ‘orangutan’ hahahaha.
“Pakialamera! Sino kaba ha?! Boyfriend mo ba ang ugok na 'to?” singhal ng lalake sa akin.
Umiling ako habang nakangisi. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin lang sa akin si kamatis. Iinom-inom hindi din pala kaya, naghanap pa ng gulo. Loko talaga.
“Hindi mo naman pala boyfriend bakit nangingialam ka ha!”
“Kamatis ko ang tinatawag mong ugok.”
Natigilan ang lalake at napakunot noo. “Kamatis? paano naman naging kamatis ang ugok na 'to?”
“Pakialam mo ba?” nagtaray ako kunwari. Hindi ko talaga ugaling mag-taray, sinubukan ko lang naman.
“Tsk pakialam mo din!” anito sabay tulak sa akin at mabilis nitong nilapitan si Kamatis at hinawakan na naman nito ang damit at aakma na namang susuntokin ito pero kaagad ko na namang nasalo ang kamao nito. “Gusto mo talagang makatikim ha!” kaagad nitong binitiwan ang damit ni kamatis atako naman ang hinarap nito upang suntokin pero na ilagan ko lang, nagsubok ulit itong sumuntok pero lagi kong naiilagan.
“Sino bang pinapatamaan mo? hangin? Tss.” mayabang na sabi ko.
Nagtiim ang mga bagang nito. Napikon na ang orangutan. “Hambog ka ah! Hintayin mo pag nasapak ko ang pagmumukha mong 'yan.”
“Kailan pa? naiinip na ako.”
Mas lalo yatang nanlisik ang mga mata nito, senyales na galit na galit na talaga. Habang ang mga tao naman sa paligid ay mukhang tuwang-tuwa pa sa nakikitang gulo. Tsk. Sumugod na si orangutan at susuntok ulit pero na ilagan ko ulit pero sinamahan ko na ng tadiyak sa puwet kaya muntikan pa itong natumba.
“Boring ka, alam mo ba 'yon?” nagkunwari pa akong nag-hikab. Mas lalong nagdilim ang anyo nito. “Let me put you to sleep dear.” nilagyan ko pa ng lambing ang boses ko at kalmadong nilapitan ang lalake. Lasing na ito kaya hindi na mahirap patulogin.
Habang buhay.
JOKE!
Nagsubok pang sumuntok ang lalake pero nailagan ko ulit iyon at ako naman ang sumuntok sa pangmumukha niya. At dahil pantay akong tao, magkabilaang pisnge nito ang pinatikim ko ng suntok. Sinuntok ko din ito ng malakas sa sikmura kaya napa-ubo pa ito. Narinig ko pa yung cheer ng mga tao sa akin, patumbahin ko na daw. As they wish. Isang malakas na suntok sa mukha ang pinatikim ko, sapat lang para mawalan ito ng malay. Ang tigas talaga ng mukha, masakit sa kamao. Kaagad na natumba ang walang malay na katawan nito. Nagpalakpakan pa yung mga tao.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
قصص عامةI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...