~FOREST~
PAGDATING ko sa bahay, ganun na lang yung pagtataka ko ng makita ang sasakyan nila Pyro at Taki saka isang mobile pulis ang naka-park sa driveway ng pumasok ako sa gate. Kaagad akong bumaba ng kotse at patakbong pumasok sa loob ng bahay, mas lalo akong nagtaka ng marinig ang malakas na iyak ni Mommy.
Ng makarating ako sa salas, nakita ko sila Mom at Dad, kausap ang dalawang pulis habang nakikinig naman si Ate Lily katabi sina Pyro at Taki.
“What’s happening on here?” nagtatakang tanong ko at sabay-sabay silang napatingin sa akin.
“Son!” sigaw ni Mommy at patakbong lumapit sa akin, akala ko yayakap ito pero pinalo ako nito sa isang braso ko. “Saan ka galing ha?! hindi mo ba alam na halos maloka ako sa pag-iisip kong saan ka napunta o kaya may masamang nangyari sayo, pinag-alala mo kaming lahat Forest.” singhal ni Mommy pero yumakap naman sa akin at humagulgol sa balikat ko.
“Mom I’m okay, sorry po kong pinag-alala ko kayong lahat.”
“Mukhang wala na po kayong problema Mr. Everton.” maawtoridad na sabi ng isang pulis.
“Pasensiya na Sir kong naabala pa kayo.” si Dad.
“Okay lang po iyon Mr. Everton, ma-uuna na kami.” tumayo na yung dalawang pulis at nagpaalam na.
Pinaupo naman ako ni Mommy sa isang sofa at naupo naman ito sa may armrest habang nakaakbay parin sa akin na animo’y ayaw ng umalis sa tabi ko. Na guilty naman ako dahil pinag-alala ko sila ng husto na umabot pa sa puntong nagtawag talaga ng pulis.
“Saan ka galing Forest?” may galit sa boses na tanong ni Dad.
Napalunok ako. Hindi ako sanay na galit si Dad, nakakatakot!
“Sa Bowling Archery Club po.” nakita kong ngumisi sila Pyro at Taki, mukhang alam ko na kong anong iniisip ng mga loko. Siguradong tutuksohin na naman nila ako mamaya neto.
“Bakit hindi man lang alam nila Pyro at Taki na pumunta ka sa lugar na 'yon?”
“Hindi ko po kasi pinaalam sa kanila dad.”
“Bago 'yon ah, dati-dati hindi ka umaalis ng hindi sila kasama pero ngayong nag-so-solo kana, anong ginawa mo 'don? wala ka namang alam sa bowling lalo na sa archery.”
Napalunok ulit ako, nakakatakot talaga si Dad kapag ganito ka-seryuso. Tsk.
“May binisita lang po ako dad.”
“Sino?”
“Kaibigan po.”
“Mukhang espesyal na kaibigan ang binisita mo Forest, hindi mo naman pag-aaksayangan ng oras kong hindi ito espesyal, sino itong tinutukoy mo?”
“S-si Baki ay este si Pain po.” na utal pa ako at narinig ko pa yung mahinang hagikgik ng dalawa. Nakita ko namang tinapik sila sa kamay ni Ate Lily kaya natigil ang mga ito.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...