CHAPTER 56

56 4 4
                                    

~FOREST~

SA kabila ng aking karamdaman ngayon ay nakaya ko pang ngumiti habang sinusundan ang papalayong si Baki. Iisa lang ang ibig sabihin ng pag-walkout nito at sobrang saya na yung nararamdaman ko ngayong malamang nag-selos si Baki!

"Mukhang na-badtrip na nga si Baki, ngingiti-ngiti kapa jan dre." iiling-iling na wika ni Taki.

"Susubuan ulit kita love, say ah."

Aakmang susubuan ako ulit ni Yein ng pigilan ko siya. "I'm sorry Yein, I didn't mean to used you." hinging paumanhin ko sa kanya dahil kinailangan ko siyang gamitin para mapag-selos si Baki. Hindi ko naman iyon plinano talaga, ang totoo niyan ay nalungkot lang talaga ako dahil imposible naman kasi talagang mataasan ko yung scores ni Baki. Siya na yata yung pinanganak na 'perfect score' sa lahat ng quiz o exams.

Gayunman ay sinubokan ko parin sa abot ng aking makakaya, umaasang may mangyaring himala na mas mataas ang scores na makukuha ko para mapapayag ko siyang sumama sa bakasyong plinano ko para sa aming dalawa. Kahit masama yung pakiramdam ko ay pinilit kong sagutan ng maayos ang test paper ko. Leche din naman 'tong katawan ko, kong saan dapat focus ako sa exam ay nakisabay pa yung sakit ng katawan at sakit ng ulo eh. Tsk. Noong Linggo pa ito nag-simulang magparamdam pero kaagad ko ding ininoman ng gamot para hindi na lumalala, nawawala naman pero bumabalik din naman. Badtrip!

Anyway, I don't really plan this 'make jealous Baki' pero ng makita ko yung titig nito ng pinulopot ni Yein yung kamay nito sa braso ko ay tila isang light bulb ang sumindi sa isipan ko. Bagkus na kunin yung kamay ni Yein ay hinayaan ko na lang at lihim na sinusulyapan si Baki upang bantayan yung magiging reaksyon niya pero wala naman akong nakitang kahit konting hint na nag-selos siya.

Mas lalong nadagdagan yung lungkot ko dahil doon.

Ngunit pinagpatuloy ko parin yung nasimulan kong plano kaya hinayaan ko si Yein na ma-upo ito sa aking tabi saka nag-pasubo din ako sa kanya. Sa pagkakataong ito ay doon ko na nakita yung kanina ko pang hinihintay na reaksyon niya at napatunayan lang iyon sa pag-walkout niya.

That's a sign Forest!

Masayang sabi ng aking isipan.

"What do you mean Forest?" nagtatakang tanong ni Yein.

"Sorry kong ginamit kita para pag-selosin si Baki." I sinserely said.

"WHAT?!" bulalas nito sabay marahas na napatayo.

Narinig ko yung hagikgik ni Taki, siguradong tuwang-tuwa sa reaksyon ni Yein.

"Sorry Yein."

"NO! tell me your kidding Forest, you still love me right?" mariing sabi nito.

"You should stop fantasizing those imposible things Yein." nakangising singit ni Taki.

"SHUT UP!" singhal nito tiyaka tinapunan ng matalim na tingin si Taki.

"Come on Yein, kailan kapa gigising sa panaginip mo ha? Harapin at tanggapin mo na kasi ang realidad na hindi kana mahal ng aming kaibigan, stop chasing Forest for Christ sake!" si Taki na hindi naalis ang nakakalokong ngisi sa mga labi.

"Bawiin mo 'yon!" mabilis na hinawakan ni Yein ang pinggan nito sabay tapon sa gawi ni Taki. Napasinghap ang lahat ng naroon sa cafeteria dahil doon, mabuti nalang mabilis ding nakailag si Taki sa pinggan iyon.

"What the hell your thinking Yein? Why did you do that?" hindi ko na napigilan pang singhalan siya dahil sa ginawa niya.

"Your totally crazy Yein." nasa kalmadong boses na sabi ni Taki at nakangising umiling.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon