Chapter 19

80 4 0
                                    

~FOREST~

 

TINININGNAN ko ng mabuti ang babaing iyon, baka namamalikmata lang ako pero SIYA nga! Nakakapagtataka lang dahil hindi ito pumasok kong narito naman siya. Ano yun? cutting classes? Hanep! Maglalakad na sana ako papunta sa pwesto nito ng may pumigil sa aking braso at si Pyro iyon.

 

“San ka na naman pupunta? malapit na tayong makabili ng pagkain aalis kapa, ang haba ng pila dre.” anito.

 

“Pupuntahan ko lang ang taong 'yon.” sabi ko sabay turo sa kinaroroonan ni Baki at kay bilis nitong binitiwan ang aking braso at marahang tinulak pa ako.

 

“Edi umalis kana, na miss mo naman siya masyado.” tila parinig na sabi nito at sumipol-sipol pa ang loko. Wala namang reaksyon si Taki dahil malamang lumilipad na naman ang imagination nito kasama ang Megaphone na 'yon. Tsk.

 

“Ulol, hindi ko siya na miss.”

 

“Tsk, mahilig ka mag-deny, umalis ka na nga denial king.” nakangising sabi ni Pyro.

Inirapan ko na lang ang loko at umalis na. Marami pa namang oras para kumain.

 

“Ow-em-jiyyy! lalapitan ako ni Forest!”

“Ako kaya!”

“Mga bulag kayo dahil sa akin siya pupunta!”

“Naku sinusundo na ako ng husband-to-be ko!”

“Shit! nalaglag yata ang panty ko sa kagwapuhan ni Forest!”

“Maganda na ba ako? nariyan na si Forest para kunin ako at dadalhin niya ako sa palasyong kaming dalawa lang!”

“Teka! nilagpasana niya ako!”

“Damn it ako rin!”

“Huhuhuhu saan siya pupunta?!”

“What the! don’t tell me lalapitan niya ang matabang babae?!”

 

Sa wakas may tama din kayo.Gusto kong matawa dahil ang dami nilang sinabi ay iyong huli lang ang tumama. Tsk. Hinila ko ang upuang bakante sa mesang inuukopa nito. Blangkong tumingin ito sa akin habang patuloy sa pagnguya at inalis din naman agad ang tingin sa akin. Sa pagkakaalam ko ay bawal ng pumasok ang mga student na hindi naka-uniform kaya bakit ang babaing 'to ay nakapasok? Tsk, malamang tinakot nito ang guard kaya yata nakapasok. Doon naman siya magaling ang manakot!

 

“Alam mo bang masamang mag-cutting classes?” kunwaring galit na tanong ko. Hinintay kong magsalita ito pero mukhang wala itong planong mag-salita dahil patuloy lang ito sa pagkain. Matakaw! kaya tumataba eh. Tulad ng dati punong-puno ang tray nito ng pagkain at mukhang hindi niya talaga ako papansinin at hahayaan ko bang mapahiya ako sa buong estudyanteng narito sa loob ng cafeteria ng dahil hindi ako pinansin ng weirdong Baki na 'to?!

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon