Chapter 46

61 2 0
                                    

NOTE before reading this chapter: Please re-read the chapter 45 again. May binago kasi ako kaya baka magulohan kayo dito sa chapter 46.


~FOREST~


"KUMAIN kana dre, kanina pa nasa harapan mo yung pagkain."

Walang buhay na tiningnan ko si Pyro na may pag-aalala sa mukha habang nakatingin sa akin at sinulyapan ang pagkaing kanina pa nakalatag sa harapan ko. Hindi ako makaramdam ng gutom o maski uhaw. Pakiramdam ko wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi matinding kalungkotan lang.


"Dre si Baki!" pabulong na sabi ni Taki.

Napa-angat ako ng tingin at nakita kaagad ng aking paningin ang babaing kakapasok lang sa loob ng cafeteria, ang siyang dahilan ng matinding kalungkotan ko. Muli kong naramdaman yung kirot sa puso ko ng maalala ang huling mga sinabi niya noong lunes. Pang-apat na araw na niya akong hindi pinapansin. Like were totally strangers and its damned painful!


Pakiramdam ko dinudurog yung puso ko tuwing lalapitan ko siya ay lalagpasan lang niya ako na animo'y hindi niya ako nakita. Ilang beses akong lumapit sa kanya ngunit laging ganun ang nangyayari, napakalapit lang namin sa isa't isa pero pakiramdam ko naman napakalayo niya at napakahirap abutin. Blangko lang ang mukha nito at miski tignan ako ay hindi niya ginagawa. Ang saklap ng kapalaran ko dahil hindi ko pa na aamin sa kanya ang feelings ko ay nararamdaman ko na yung kinatatakutan kong iwasan niya ako.


Nakakabakla nga dahil pigil na pigil ko yung pag-iyak ko sa harapan niya. Alam kong nag-simula sa cold treatment yung samahan namin ni Baki pero nagbago na iyon dahil nga naging magkaibigan na kami kaya hindi na ako sanay pa sa pagiging cold niya ulit sa akin. Hindi ko parin matanggap yung rason niya kong bakit gusto na niyang itigil yung pagiging magkaibigan namin dahil ano? dahil malakaing pabigat ako sa buhay niya? Tsk!

Mas lalong kumirot ang puso ko dahil doon. Malaking pabigat nga ba talaga ako sa'yo Baki? punong-puno ng hinanakit na tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa walang emosyong mukha niya na kasalukuyang pumipila sa may counter. Hindi man lang talaga ito tumingin sa gawi namin. Ngunit ang mas nakakasakit sa damdamin ko ay makitang hindi man lang ito nahihirapan sa ginagawa niyang pang i-snob sa akin. Habang ako, halos madurog na yung puso ko dahil sa ginagawa niya. Ganun lang ba niya kadaling kalimutan yung maikling pagkakaibigan namin? She's really unbelievable and its making me crazy for pete's sake!


Kahit sa tawag at text ay wala, hindi ko alam kong ginagamit niya pa ba iyong cellphone na bigay ko sa kanya o tuloyan na niyang tinapon tulad ng pagtapon niya sa pagkakaibigan namin.


I miss you Baki.


Tiningnan ko lang si Baki hanggang makalabas na ito ng cafeteria. Walang buhay na ibinalik ko ang tingnan sa malamig nang pagkaing nasa harapan ko ngunit napabaling naman ako sa bakanteng upuang nasa tabi ko. Nababaliw na siguro ako dahil nakikita ko yung transparent na si Baki, walang emosyon pero alam kong magkaibigan kami. Hindi tulad sa Baki na nasa realidad, walang emosyon pero hindi na kami magkaibigan. Ang sakit.


"Kahit hindi mo sabihin, ramdam namin dre na may mali sa inyong dalawa ni Baki."

Napabaling naman ako sa kinauupuan ni Pyro na nag-aalala parin habang nakatingin sa akin ngunit saglit lang iyon dahil ibinalik ko naman sa aking pagkain yung tingin ko. Narinig ko pa yung buntong hininga nilang dalawa.

My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon