~FOREST~
"WHAT'S happening to you Everton?! This is not a practice anymore! First quarter ay sablay lahat ng tira mo at natutulala kapa, pagbutihan mo naman ngayong second quarter ng game!" singhal ni Coach Claro sa akin. Halos mamula na ito sa galit habang ako ay wala lang, hindi man lang ako na apektuhan sa sinabi nito.
"Mas mabuting umupo kana lang muna Everton and try to get back in your senses!" ani Coach at umalis na sa harapan ko saka pumunta sa team-mates ko.
Tiningnan ko yung scores namin laban sa junior's team. Mas lamang sila kaysa sa amin at wala akong pakialam doon. Kong gugustohin ko ay hindi na ako pumunta dito at magkulog na lang sa silid ko. Tumingin ako sa pintuan ng gym at nagbabakasakaling makita ang babaing gustong-gusto kong makita sa mga sandaling ito. Siya lang ang kailangan ko, siya lang. Puno ng hinanakit na sabi ko sa aking isipan.
Ngunit imposible na iyon dahil sa pagkakatanda ko, I told her what I felt for her at panigurong hinding-hindi na siya magpapakita sa akin o tuloyan na niya akong lalayuan tulad ng sinabi niya noon sa akin. Mas lalong sumakit ang dibdib ko dahil doon. Gusto kong batukan ng paulit-ulit ang sarili ko dahil iniiwasan na nga ako ni Baki, dinagdagan ko pa dahil sa pesteng pag-sabi ko ng I love you.
Tangina naman kasi. Bakit hindi ko agad pinigilan ang bibig ko ha?! Noong Sabado pumunta ako sa apartment niya pero tila walang tao, tinanong ko yung babaing kapitbahay niyang nakausap ko noon. Sinabing umalis daw. Linggo ng umaga ay pumunta ulit ako sa apartment niya pero wala pa ding Baki na humarap sa akin at sakto namang palabas yung kapitbahay niya kaya nagtanong ulit ako at napagalaman kong hindi pa bumabalik si Baki mula noong Sabado. Kaya hindi ko maiwasang isipin na, Tuluyan ng mawawala sa buhay ko si Baki. Triple na yata yung sakit na nararamdaman ko sa aking puso ngayon.
Kinuha ko yung sling bag na nasa upuan para kunin yung cellphone ko. Tanging sa cellphone ko na lang siguro makikita ang mukha ng babaing mahal ko. Nag-init na naman ang bawat sulok ng mga mata ko dahil sa matinding emosyon ngunit kaagad kong pinigilang umiyak. Ramdam lahat ng tao na may problema ako kaya walang nag-subok na lumapit sa akin o tumili man lang tulad dati na makita palang ako ay tumitili na. Psh. Hindi ko kailangan 'non. Kailangan ko ang Baki of my eye ko!
Tungkol naman kay Yein,ay hindi ko alam. Huling kita ko sa kanya ay noon pang Lunes, napagalaman kong hindi na nga siya um-attend ng praktis nila hanggang sinabi ng coach nila sa volleyball na hindi na ito kasali.
Ilang saglit lang ay nag-ring yung cellphone ko. Tinatamad kong tiningnan kong sino iyon na paniguradong sila Pyro o Taki lang iyon o di kaya ay sila Mommy at Daddy ngunit mabilis akong napatayo sabay bilis ng tibok ng puso ko ng mabasa ko kong sino ang caller ko!
Baki of my eye calling...
Nanginginig ang mga kamay na pinindot ko yung answer button dahil sa halo-halong emosyong bigla kong naramdaman. Dahan-dahan kong dinala sa tenga ang cellphone ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataong tumawag siya sa akin!
"Mukhang hindi naman tamang hayaan ng captain ang kanyang team."
Pakiramdam ko bumalik lahat ng energy at saya ko ng marinig ang boses niya. Kaagad akong napangiti dahil sa wakas narinig ko ulit ang boses niya. Kaagad kong ginala ang paningin ko sa paligid upang hanapin siya at natuon ang tingin ko sa may pintuan.
Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti ko ng makita ang isang babaeng nakasandal sa may pinto ng gym habang may nakakalokong ngisi sa mga labi. Nakasuot na ito ng baseball jersey uniform, bumagay pa sa kanya ang suot na puting baseball cap. Binaba na nito yung cellphone at naglakad papunta sa direksyon ko. Habang papalapit siya ay hindi ko maiwasan ang sobrang galak na nabuhay sa puso ko at dala ng sobrang pagka-miss sa kanya, hindi na ako nakapaghintay na makalapit siya sa akin at patakbong lumapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Naramdaman ko yung bahagyang pagpitlag nito kaya nagtatakang tiningnan ko siya at mas lalong nadagdagan yung pagtataka ko ng makitang may pasa sa magkabilang labi nito.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...