~FOREST~
NAKANGITING nakatingin ako kila Taki at Pyro kasama sila Yami at Charlie na masayang nag-sasayawan sa gitna ng dance floor. Narito kami ngayon sa The Blues na isa sa mga pamusong club dito sa Pasay. After the awarding ceremony we decided to have a celebration. Sa wakas ay natapos na din yung sports fiest at naging maganda naman ang resulta lalo na sa aming anim. Nakatanggap kami ng gold medals at trophy dahil napanalo namin yung kanya-kanyang sports na sinalihan namin. Tulad ng nakaraang tatlong taon, tinanghal na naman akong 'MVP' player which is I already used to it but this time it was different because I have Baki all the time while I'm inside the basketball court. Ganadong-ganado akong maglaro kanina dahil nanonood ang babaing mahal ko na kina-resulta ng aming pagkapanalo laban sa sophomore team.
Bago siya pumunta sa field, tinanong ko muna kong kaya na ba niyang mag-laro dahil inaalala ko parin yung sugat niya sa tagiliran at sa braso nito pero tumango lang ito at umalis na. Kaya ng mag-umpisa ang kanilang laro, syempre hindi ako puweding mawala at sa katunayan lang ay ako itong number one supporter niya habang naroon sa announcement area. Kong hindi lang siguro ako isang Everton, kanina pa ako binigwasan ng mga announcer dahil hindi sila makapag-trabaho ng maayos dahil minu-minuto ay inaagaw ko yung microphone sa kanila sabay cheer sa Baki of my eye ko. Oo, alam ko, ako na ang SWEET. Hahaha. Anong gagawin ko eh hindi ko mapigilan yung sarili ko. Lakas ng tama ko kay Baki mga dre. Tsk...Tsk...Tsk.
Pakiramdam ko tuloy pinag-sigawan ko sa buong mundo kong gaano ko siya kamahal habang malakas kong chi-ni-cheer siya. Alam kong may mga usap-usapan ng kumakalat na nililigawan ko si Baki at wala akong paki doon. Mabuti nga iyon para malaman nilang hindi na available na ligawan itong Baki ko dahil akin na siya!
Oo akin na siya kahit hindi. Tsk. Darating din tayo 'jan mga dre.
At the end, nanalo sila Baki laban sa mga freshman. Magagaling yung mga players ng first year, may ibubuga at hindi puweding maliitin kesyo mga first year lang sila. Maganda ang larong ipinakita nila pero mas magaling parin yung mga senior's team lalo na yung Baki of my eye ko. Kaya nakatanggap din siya ng gold medals ngunit sa kabila ng award at pagkapanalo nila ay nanatili parin siyang walang imik hanggang ngayon. Sa katunayan niyan ay simula pa ng sunduin ko siya sa apartment niya ay ni wala man lang akong natanggap na ngiti o bati sa kanya. Tumingin lang ito at nilagpasan ako. Wala nga itong reaksyon ng manalo sila pati sa awarding ceremony, tuwang-tuwa at may patalon-talon pa yung ibang teammates niya habang siya, tahimik at walang ekspresyon ang mukha niya. Alam kong ganyan na talaga si Baki simula pa noong makilala ko siya pero kakaiba kasi ngayon. Ang lalim ng iniisip niya na sa sobrang lalim hindi na niya pinapansin yung gwapong nilalang na kasama niya.
Wushu, sumeg-way pa ah. Tudyo ng aking isipan.
Gusto ko ngang mag-tampo sa kanya dahil kanina ko pa talaga siya kinakausap pero wala parin siyang imik ngunit naisip kong mukhang hindi magandang mag-inarte ako lalo na't napaka-seryuso talaga ni Baki, baka magalit ito at bugahan ako ng apoy. 'Di joke lang.
Tinanong ko naman siya kanina kong may problema pero wala naman din akong natanggap na sagot. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kanya. Wala namang problema ng mag-paalam ako sa kanya kahapon ng gabi. Wala naman akong maalalang may ginawa akong hindi niya nagustohan.
Tinuon ko naman ang tingin ko kay Baki na tahimik lang na umiinom sa tabi ko. Yeah, she's physically here in my side but not mentally. Pansin ko din na mukhang may balak itong mag-lasing ngayong gabi dahil naka dalawang bote na ito ng beer! Mas lalo tuloy lumakas ang kutob kong may mabigat na problema talaga itong babaing 'to.
Tumikhim ako. "B-Baki." Hindi ko maipaliwanag kong bakit ako kinakabahan ng mga sandaling ito at nautal pa. Sa tipo kasi ni Baki, kapag ganito siya na tahimik. Hindi mo siya dapat iniistobro o kausapin kong ayaw mong malagot ngunit hindi naman ako matatahimik kong hahayaan ko lang siyang ganito.
BINABASA MO ANG
My Pain (Book 1)'Awesomely Completed'
General FictionI HATE PAIN, minsan na akong nasaktan dahil sa labis labis na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na at itinaga iyon sa bato na hinding hindi na ako iibig pa dahil takot na akong harapin at sunggaban ang salitang 'pain' Hanggang dumating ang kakaibang 'pai...